/ 
Beware, They Are Bad News! 9 Chapter Eigh
Download
https://www.novelcool.com/novel/Beware-They-Are-Bad-News.html
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-8-Chapter-Seven/3619550/
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-10-Chapter-Nine/3619552/

Beware, They Are Bad News! 9 Chapter Eigh

Nakalayo na si Prinsesa Chrysantha sa kaharian ng mga Dalaketnon. Napadpad sya sa isang kuweba na nasa paanan ng bundok.

Sabi pa ni Chrysantha, "Natitiyak akong ito na ang aking magiging permanenteng tirahan. Mabuti na rin na ganito, kesa mapunta pa ako sa malupit na kamay ng aking Tiya Amaryllis."

At ang dragon ay nag-anyo na muli ng isang itim na uwak.

Dagdag pa ni Chrysantha, "Ang proproblemahin ko na lang ay ang paghahanap ng pagkain. Pero madali naman sa akin iyon. Nandito tayo sa paanan ng bundok at maraming mga puno dito. Tiyak kong meron din akong mahahanap na mga bungang-kahoy na puwede kong kainin."

At isang linggo na rin na nagdaan, hindi pa rin nahahanap ni Milesia at ang mga kawal si Prinsesa Chrysantha. Pero kampante pa rin si Reyna Amaryllis, "Maski wala sa aking puder si Chrysantha, natitiyak akong walang sinu - mang mapangahas na Dalaketnon ang kakalaban sa akin. Mabuti na ang ganito. Tuluyan na rin nawala sa landas ko ang magkapatid na Esmeralde at Chrysantha. At ako na talaga ang mamumuno ng kaharian na ito na iniwan ng aking ama. Dahil ako talaga ang karapat-dapat!"

***************

May inihandang isang basong tubig sa tabi ng higaan ni Marx. At ang bilin ni Mrs. Demetria, painumin agad ang basong tubig na iyon sa kanya kapag siya ay nagkamalay.

Nagtataka rin itong si Donald, "Hindi ba pinapalitan ang tubig na yan?"

Sabi naman ni Daisy, "Huwag ka na makialam, Kuya. Sumunod na lang tayo sa utos ni Ma'am."

At ang sabi pa naman ni Donald, "Alam mo? Ang weird ng magkapatid na yan? Maganda at malaki itong mansyon. Pero, wala akong nakikitang nakdisplay na picture frame. Maski yung mga baby photos nila o kaya naman mga lumang larawan ng mga magulang nila! Pero kahit papaano, mababait naman sila. Kasi binibigyan nila tayo ng mataas na sahod."

Sa hindi inaasahan, biglang umungol itong si Marx, "Lynn... Mahal ko... Lynn..."

Nagulat silang dalawa.

Sabi ni Daisy, "Mukhang nagigising na si Sir Marx. Tawagin mo si Mrs. Demetria. Dalian mo."

At lumabas ng kuwarto itong si Donald para tawagin si Mrs. Demetria.

Minulat ang mga mata ni Marx. At nasilayan niya sa kaununahang pagkakataon si Daisy at tinawag niya itong, "Chrysantha, anak ko!"

At kinuha naman ni Daisy ang basong tubig na nasa mesa, saka pinainum niya ito sa kanya, "Inumin niyo muna ito."

Ininum nga ni Marx ang basong tubig na iyon. At pagkatapos, tumingin siya kay Daisy, "Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito? Nasaan ako?"

Pumasok na sina Mrs. Demetria at Donald.

Sabi ni Mrs. Demetria, "Iwanan niyo muna kami. Hayaan niyo kaming mapagisa muna."

At tahimik silang dalawa na lumabas ng kuwarto. Doon sila sa sala nagtungo at naguusap.

"Kita mo na? Ang weird talaga nilang magkapatid. Parang yung napapanood ko na mga suspense thriller movies." commento pa ni Donald.


"Huwag ka ngang maingay diyan. Baka marinig ka ni Ma'am. At mabuti naman, nagising na si Sir Marx sa awa ng Diyos." sabi naman ni Daisy.

Lumabas ng kuwarto si Mrs. Demetria at inabot sa kanila ang kanilang bayad.

"Heto ang sweldo niyo para sa buwan na ito. Pero, hindi ibig sabihin nito, ititigil niyo na ang serbisyo ninyo. Ngayon nagising na ang Sir Marx ninyo, nais kong asikasuhin niyo pa rin siya. Kailangan niya ng mga assistants. Kasi may pagagawa siya sa inyo." sabi ni Mrs. Demetria.

"Ano po yun?" taka ni Daisy.

Sabi naman ni Donald kay Daisy, "Ano ka ba, Daisy? Kailangan ni Sir Marx ng physical therapy. At sa mga therapy sessions niya, kailangan niya ng kasama papunta doon sa center. At tayo yun."

Sagot naman ni Daisy, "Ah! Ganun pala."

At ang bilin pa ni Mrs. Demetria, "Donald, pumasok ka muna sa kuwarto ng Sir Marx mo dahil meron kayong paguusapan. May ipapagawa siya sa iyo."

Pumasok nga si Donald sa kuwarto ni Sir Marx. At nagulat siya dahil nakita niyang naubos niya ang isang basong tubig na nakalagay sa mesa. At higit pa doon, mukhang mas malakas na siya ngayon kung ikumpara niya kanina. Nakatayo ito at may hawak na envelope na naglalaman ng dokyumento. Binigay niya ito kay Donald.

Sabi ni Marx, "Yan ang mga papeles na yan na makakapagsabi sa iyo ang buong profile ni Luciana Gonzalo, ang isang biyuda na nagmamay-ari ng shipping line company. Balita ko, namatay ang asawa niya dahil sa sakit sa puso. Dahil nasa edad na ito nang sila ay kinasal. Gusto ko magtungo ka ng Maynila at mamasukan ka sa kanya bilang driver. At pagkatapos, ibigay mo sa akin ang mga impormasyong ng kung anu man ang mga transaksyon niya at kung saan man ang mga lakaran niya."

Reklamo naman ni Donald, "Teka, hindi naman ako private investigator. Medical student po ako."

Nagulat naman si Marx sa reaksyon ni Donald, "Bakit? Ayaw mo bang mpromote? Tataasan ko ang suweldo mo."

Taka naman ni Donald, "May atraso po ba ang babaeng ito sa inyo?"

Umiling lang si Marx, "Hindi. Ang ibig kong sabihin, matalik kong kaibigan ang babaeng yan. At kailangan niya na may isang taong magbabantay sa kanya habang wala ako sa tabi niya. Bukod pa roon, kailangan ko rin malaman kung saan siya nagpupunta para mas klaro sa akin na ligtas nga ba talaga siya at walang kikidnap sa kanya."

At ang sabi pa ni Donald, "Ah, naintindihan ko na po? Kabit po kayo ng babaeng ito. Tapos, siya na siguro ang pumatay sa asawa niyang matanda para kayo ay magsama. Ang buhay - teleserye nga naman talaga! Tss..."

Napataas ang kilay ni Marx sa commento ni Donald, "Hindi ako kalaguyo ng babaeng yan. Teka, bakit ka ganyan magsalita sa mas nakakatanda sa iyo? Ganun ba ang tinuturo sa iyo ng mga taong nagpalaki sa iyo?"

Nagpaumanhin naman si Donald, "Naku! Pasensya na po sa asal ko kung nilapastangan ko po kayo. Don't worry, Boss! 24/7 po akong magiging bodyguard ng love interest niyo?"

Sabi naman ng naiiritang si Marx, "O sya! Makakaalis ka na. Nakahanda na pala ng lahat ng kakailanganin mo sa Maynila. Doon na kayo ng kapatid mo at ang lola mo titira. Sa Maynila na rin niyo pagpatuloy ang pagaaral niyo. Huwag kayong magalala sa mga gastusin dahil sagot ko lahat."

Natuwa naman si Donald, "Naku! Sir Marx, thank you very much po!"

Tumawa lang si Marx, "Walang anuman."

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again