/ 
Beware, They Are Bad News! 10 Chapter Nine
Download
https://www.novelcool.com/novel/Beware-They-Are-Bad-News.html
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-9-Chapter-Eigh/3619551/
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-11-Chapter-Ten/3619553/

Beware, They Are Bad News! 10 Chapter Nine

Pagdating nila ng Maynila, pumunta na sila sa isang apartment na inupahan ni Mr. Demetria para sa kanila. At pagkarating nila doon, napapansin nila na maganda at maayos ang apartment kung ikumpara sa mga ordinaryong apartment. Mga bago ang kasangkapan at kumpleto pa ang laman ng pridyider at pantry kaya wala silang iintindihin kung ano ang kakailanganin nila.

Pero, iba ang kutob ni Lumen, "Hindi ko gusto tumira dito."

Sabi naman ni Daisy, "Lola, huwag naman kayong KJ. At mabait talaga yung among inaalagaan namin kasi siya po lahat ang bahala sa gastusin. Siya nga rin po magpapaaral sa amin sa mataas na unibersidad. Ayaw niyo po ba yon?"

Dagdag pa ni Donald, "At isa pa, malinis naman po ang hangarin ng amo namin. Habang naninilbihan kami sa kanya, gusto niya maayos ang kalagayan naming magkapatid kaya tayo pinatitira dito sa magandang apartment na ito."

Pero, giit pa rin ni Lumen, "Ay naku! Sana nagpaiwan na lang ako sa probinsya. Ayaw ko talaga dito."

Paalala naman ni Daisy, "Eh di wala pong magaasikaso sa inyo doon."

Sagot naman niya, "Naku! Mas inaaksikaso niyo pa yung Mr. Demetria na iyon kesa sa akin."

Niyakap naman siya ni Daisy, "Naku! Itong si Lola, nagtatampo na agad."

At pinasok nila ang kani-kanilang mga kuwarto. Natuwa naman si Daisy sa nakita niya sa loob ng kanyang kuwarto dahil may nakahanda palang sorpresa si Mr. Demetria sa kanya - isang bagong gitara. At may kasama pa itong sulat.

Ang sabi sa sulat, "Daisy, alam kong hilig mo ay musika. Kaya sa music and performing arts school kita inenrol. Samantalang si Donald, magpapatuloy naman siya ng Medicine sa unibersidad. Sana maging masaya ka sa napili mong larangan.... Sumasainyo, Mr. Marx Phoenix Demetria."

Dahil sa nabasa niyang sulat, siya ay nagtitili sa tuwa. Nagulat siyempre ang lola niya at pumasok ito sa kuwarto, "Daisy, ang ingay mo!"

BInalita agad ni Daisy, "Lola, sa performing arts school na ako magaaral at sagot ni Mr. Demetria."

Natuwa naman si Lumen, "Naku! Mabuti napakabait naman ni Mr. Demetria. Sa awa ng Diyos, pagaaralin ka pa sa mamahaling eskwelahan. At matutupad mo na ang pangarap mo."

Kinabukasan, pinuntahan na ni Daisy ang eskwelahan na iyon. At nagkita ulit sila ng mga kabanda niya dati.

Gulat ni Bryan, "Daisy, hindi ko akalain na magiging magkaklase tayo dito."

Sabi naman ni Daisy, "Meron akong mabait na amo sa probinsya namin. At dito ako pinenrol."

Sabi naman ni Bert, "Tiyak na magugustuhan mo dito at marami kang matututunan. At isa pa, medyo bigatin din ang mga magiging kakompetensya mo dito. Lalo na kailangan galingan mo pa sa pag-awit at pagtugtog ng gitara."

Paanyaya naman ni Bryan, "Balik ka ulit sa banda. Gaya ng dati na tayo-tayo pa rin magkakasama."

Pumayag naman si Daisy sa alok ni Bryan, "Sige, babalik ulit ako bilang vocalist ninyo."


Samantala, ito naman si Donald, pumunta muna sa opisina ni Mrs. Gonzalo sa Pasig para mag-apply bilang driver.

Pero, hindi pa rin kumbinsido si Mrs. Gonzalo sa credentials niya, "Naku! Gusto ko sa driver, yung may experience. Sa nakikita ko sa resume mo, wala ka ni isang work experience. Puwera na lang naging caregiver ka sa isang comatose patient na si Mr. Marx Phoenix Demetria."

Sagot naman ni Donald, "Sa katunayan po, nirefer po niya ako sa inyo at kailangan niyo raw ng driver."

Umiling naman si Mrs. Gonzalo, "Naku! May personal driver na ako. Hindi ko kailangan ng driver."

Pero, nakiusap naman ulit ito si Donald, "Naku, Mrs. Gonzalo, kung tatanungin niyo, sanay po ako sa mga gawaing bahay. At isa pa, puwede niyo rin akong maging janitor o messenger. Kailangan ko po talaga ng trabaho. At isa pa, nagaaral pa po ako sa kolehiyo."

Nagbuntung-hininga naman itong si Mrs. Gonzalo, "O, sige! Tangap ka na bilang houseboy ko. Pero, ayaw ko ng tatamad-tamad. Kailangan maaga ang gising sa umaga at tumulong na agad sa paglilinis ng bahay."

Nagpasalamat agad si Donald, "Naku! Salamat po, Ma'am. Makakaasa po kayo."

At pagalis niya ng opisina, tinext niya agad si Mr. Demetria, "Sir, tangap na po ako sa trabaho bilang houseboy hindi bilang isang driver. Pero, mabuti na rin yon para mas mabantayan ko po si Ma'am para sa inyo."

At ang binigyan naman siya ng reply na emoticon na smiley.

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again