/ 
Beware, They Are Bad News! 4 Chapter Three
Download
https://www.novelcool.com/novel/Beware-They-Are-Bad-News.html
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-3-Chapter-Two/3619545/
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-5-Chapter-Four/3619547/

Beware, They Are Bad News! 4 Chapter Three

Kinabukasan, nang nailibing na ang mga magulang nina Daisy at Donald, inihahanda na nila ang mga damit nila dahil bibiyahe na sila patungong Pampanga.

Sabi ni Daisy, "Mamimiss ko ang mga kaibigan ko. Lalung - lalo na yung mga kabanda ko."

Sagot naman ni Donald, "Ikaw talaga. Puro na lang music at pagaartista ang nasa isip mo. Kung nabubuhay pa si Mama, matagal ka ng pinahihinto sa pagbabanda. Hindi mo rin kasi inaasikaso ang mga grades mo."

Nagrason naman si Daisy, "Naku, pumapasa naman ako a. Hindi naman ako bumabagsak. Sa mga quizzes lang. Pero, nababawi ko naman yun."

At paalaala pa ni Donald, "Kaya nga. Yung marka mo sa report card, puro pasang awa. Tapos, ikaw itong nagrereklamo kung bakit hindi binibili ang mga gusto mo. Eh, di tingan mo rin ang sarili mo. Gayahin mo ako. Maski wala akong talent sa singing and dancing, pero pursigido naman ako makakuha ng mataas na marka sa report card."

Reklamo naman ni Daisy, "Oo na. Ikaw na ang matalino sa ating dalawa. Ikaw na ang pinakfavorite nina Mama at Papa."

At narinig yata sila ni Lumen na nagtatalo.

"Oy! Ano ang naririnig kong ingay diyan? Ugali niyo pala maging aso't pusa. Pero, pagdating natin sa Pampanga, dapat huwag kayong ganyan. Kailangan magkasundo kayo parati kasi kayo na lang dalawa ang magdadamayan. At isa pa, matanda na ako." sabi pa ni Lumen.

Sagot naman nila, "Opo, Lola Lumen."

At nung mga hapon, pumunta na sila sa terminal ng bus para sa kanilang biyahe papuntang Pampanga.

At nakatulog sila habang sila'y bumibiyahe.

Ito naman si Donald, may napanaginipan siya.

Napanaginipan niya ang isang magandang babae na kaedad lang niya. Nakasuot ng magandang bestida. Tila siya ay sumasayaw at kumakanta kasama ang mga lumilipad na mga nympha.

Nilapitan niya ito, at nasilayan niya ang kanyang mukha, kamukhang-kamukha ng babaeng iyon si Daisy, "Daisy, anong nangyayari sa iyo?"

Nagulat ang babae. Tumigil siya sa pagsasayaw at pagkanta. Umalis agad ang mga nympha nang nakita siyang lumapit sa babae.

Tanong niya, "Sino ka? Hindi Daisy ang pangalan ko. Ako si Esmeralde. Kay kisig at napakaguwapo mo, nilalang. Isa ka bang taglupa?"

Nagtataka naman itong si Donald, "Anong bang pinagsasabi mo, Daisy? Si Donald ito, ang kapatid mo!"

At nakarinig siya ng malaking boses ng isang lalake.

"MALACHITE!"

Lumingon siya. Pero, hindi natuloy ang kanyang panaginip nang ginising siya nina Lumen at Daisy.

"Donald, gising na. Nandito na tayo." sabi ni Lumen.

Sabi pa ni Daisy, "Mukhang napasarap yata ang tulog mo, Kuya."

Sagot naman ni Donald, "Nanaginip ako. May mama na tumawag sa akin na Malachite. Ang weird nga. Tapos, ikaw rin nasa panaginip ko. Pero iba ang pangalan mo sa panaginip ko. Sabi mo pa nga sa panaginip, Esmeralde ang pangalan mo. Tinawag mo pa akong TagLupa."


Nagulat naman si Daisy sa kinuwento ni Donald. At naalala niya yung nakilala niyang Dalaketnon na nagngangalang Chrysantha.

Sa isip naman ni Daisy, "Hindi kaya si Chrysantha at si Esmeralde ay iisa lang?"

Sumabat naman si Lumen, "Ikaw, Donald. sa kapapanood mo ng horror movies, kung anu-ano lang ang napanaginipan mo. Itigil mo yan ha. Masama ang parating binabangungot."

Sumangayon naman si Donald, "Opo, Lola Lumen. Hindi na po mauulet."

Curious naman itong si Daisy, "Kuya, anong hitsura itong si Esmeralde? May pointed ears ba siya at may mga pulang marka sa mukha niya at sa braso na parang tattoo design na ewan?"

Sabi naman ni Donald, "Oo, may pointed ears siya, pero wala siyang kahit anong marka sa katawan. Makinis ang balat niya. Actually, para ngang ikaw, napakaganda niya."

Sumabat ulit si Lumen, "Donald, tama na yung kakukwento mo ng nakakatakot. Baka matakot pa itong kapatid mo. Sige ka!"

At hininto na nina Daisy at Donald ang kuwentuhan tungkol kay Esmeralde.

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again