Kasulukuyan nasa kolehiyo na ang magkapatid na sina Daisy at Donald. Si Donald ang pinalad na magkscholarship. Kumukuha siya ng kursong Medisina. Samantalang si Daisy, hindi pinalad na magkaroon ng scholarship. Pero, pumapasok naman siya sa isang department store bilang sales lady para may pantustos siya sa kanyang pagaaral.
Matanda na ang kanilang Lola Lumen. Sa bahay na ito pumipirme. Nangungupahan sila ngayon sa kabisera para malapit sila sa unibersidad na pinapasukan nila.
At isang araw, nakita ni Daisy na may nakapaskil sa bulletin board. Isang singing contest na sinagawa ng English Department para sa mga mag-aaral na gustong sumali. Sampung libong piso ang magiging papremyo sa sino man ang magiging grand winner. Iniisip ni Daisy kung sasali siya. Pero, inaalala niya na baka wala siyang panahon na mag-ensayo dahil nagtratrabaho din siya.
Ito naman si Donald, hinihingkayat naman siya, "Sige na, Daisy. Sayang din ang cash prize. Pandagdag din sa gastusin mo. Ako na bahala magrason kay Lola. Sure naman na hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo, di ba?"
Nakumbinse naman si Daisy, "Salamat, Kuya ha? Napakunderstanding mo."
At nangyari nga, napili si Daisy sa ten finalist sa audition na maaring lalahok sa singing contest na iyon.
Nagkaroon siya ng mga papuri sa kanyang mga kaklase.
"Ang galing mo, Daisy! Balang araw, magiging rock star ka."
Tumawa naman si Daisy sa kaklase niya, "Salamat."
Isang beses, pinatawag siya ni Mrs. Demetria, ang university's Dean of Student Affairs.
"Pinatatawag kita dahil tungkol ito sa scholarship mo."
Nagtaka naman si Daisy. Hindi muna siya kumibo. Pinakingan niya ang sasabihin ng Dean.
"Dahil above average naman ang grades mo this past semester, bibigyan ka namin ng chance. Pero, sa isang kundisyon."
Nagtanong naman si Daisy tungkol doon, "Ano po ang kundisyon, Ma'am?"
"Ang bunso kong kapatid ay may malubhang karamdaman. Nais kong atasan kita na magalaga sa kanya. Huwag kang mag-aalala sa susuwelduhin mo. Ako ang bahala. Babayaran kita na mas higit pa sa sinasahod sa iyo ng iyong pinagtratrabahuan. Mainam iyon, para makatulong ka sa iyong lola sa mga gastusin niyo araw-araw." sabi naman niya.
Natuwa naman si Daisy sa naging pahayag sa kanya ng Dean, "Naku! Tatanawin ko po itong na malaking utang na loob."
Natawa naman ang Dean, "Naku, huwag na. Ginagawa ko ito dahil gusto ko makatulong sa iyo at sa iyong pamilya."
At sinamahan ng Dean si Daisy sa kanilang malaking mansyon. Namangha naman itong si Daisy sa kagandahan ng mansyon.
"Ang yaman niyo pala, Mrs. Demetria." puri pa niya.
Tugon naman ng Dean, "Hindi ako ang may-ari nito. Ang kapatid ko."
Nagtungo sila sa kuwarto kung saan nandoon natutulog ang comatose na pasyente, "Siya si Marx Phoenix Demetria, ang aking bunsong kapatid. Siya ang iyong aalagaan."
Sa unang kita pa lang ni Daisy kay Marx, naawa na agad ito sa kalagayan niya.
"Dati na ba siyang ganyan?" tanong ni Daisy.
Sagot naman ng Dean, "Mahigit ng apat na taon na hindi pa siya nagigising. Tanging ang dextrose na lang ang bumubuhay sa kanya. Pero, malaki ang pag-asa ko na gagaling siya. At ikaw ang magpapagaling sa kanya."
Sabi naman ni Daisy, "Kumukuha po ng Medicine si Kuya. Puwede ko ba siyang isama rito para pareho kami mag-aalaga sa kanya?"
Natuwa naman ang Dean, "Mabuti kung ganun. Mas maaagapan ang kanyang pag-galing kung tulong-tulong kayong magkapatid na alagaan siya."
...
Chapter end
Report
|
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
|