/ 
Beware, They Are Bad News! 5 Chapter Four
Download
https://www.novelcool.com/novel/Beware-They-Are-Bad-News.html
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-4-Chapter-Three/3619546/
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-6-Chapter-Five/3619548/

Beware, They Are Bad News! 5 Chapter Four

Maayos naman ang kalagayan ng magkapatid sa puder ni Lumen. Tumutulong sila sa mga gawaing bahay. Mabait din naman ang trato ni Lumen sa kanila. Si Donald, siya ang naatasan na tagigib at taga tapon ng basura. Si Daisy naman, siya ang naatasan na tagsaing ng kanin at tagplantsa ng mga damit. At sa paglilinis naman ng bahay, tulong-tulong silang dalawang magkapatid.

Isang hapon, nautusan si Daisy bumili ng suka at toyo sa isang sari-sari store sa kanto. At pagdating niya doon, binati siya ng isang matanda, "Aba, ikaw ba yung apo ni Lumen na taga - Maynila? Napakaganda din pala ang lahi ni Lumen!"

Ngumiti naman si Daisy sa kanya, "Salamat po."

Sabi pa ng matanda, "Magiging mangagamot ka rin ba katulad ng lola mo?"

Nagulat naman si Daisy, "Ano po?"

Nalito tuloy ang matanda, "Ay! Oo nga pala. Taga - Maynila ka nga pala. Ang ibig kong sabihin, albularyo ang Lola Lumen mo. Baka magiging katulad mo siya balang araw pag-tanda mo."

Pinagsabihan naman ng tindera ang matanda, "Naku! Aling Tasing, huwag niyo nga iimpluewensyahan ng kung anu-ano ang bata. Walang alam yan sa pangagamot. At matagal na nagretiro si Lumen sa pangagamot dahil hindi na niya kaya. At isa pa, napakaganda naman itong si Daisy para maging isang albularyo. Dapat sa kanya, mag-artista!"

Natawa naman si Daisy sa commento ng tindera, "Kayo talaga, Ate. Binobola niyo naman ako. Bilin po kasi ni Lola, pagaaral muna ang atupagin ko. Huwag daw yung pag-aartisa. Kung narinig kayo niya, lagot kayo. Naku, sige! Mauna na po ako."

Pag-alis ni Daisy, saka kinausap ng matanda yung tindera, "Naku! Napakagandang bata at masunurin pa sa Lola, ano?"

Sumang-ayon din ang tindera.

Pag-uwi ni Daisy sa bahay, tinanong niya ang lola niya, "La, narinig ko po sa ilang kapitbahay, dati daw kayong albularyo. Totoo po ba yon?"

Sagot naman ni Lumen, "Dati pa yon. Pero, hindi na ako nangagamot ngayon. Matanda na ako. At isa pa, iba na ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Nagtitinda na lang ako ng kakanin at pangmeryenda sa mga kapit-bahay natin. Mas maigi iyon kasi mas may kikitain pa ako doon."

Sabi naman ni Donald, "Tutulungan ko na rin po kayo sa pagtitinda. Kasi baka mas mahihirapan kayo. Lalo na may high blood pa kayo."

Sabi naman ni Lumen, "Naku, salamat! Napakabait mo, apo."

Sabi rin ni Daisy, "Tutulungan ko rin si Donald sa paglalako ng paninda. Para, kung sino ang mang-trip sa kanya na tambay, aawayin ko."

Natawa naman si Lumen, "Naku! Ikaw talaga! Pero, masama ang makikipag-away. Baka maisapeligro ang buhay niyong magkapatid."

At may naisip na ideya itong si Donald, "Turuan niyo din kami ng nalalaman niyo sa pangagamot. Para kung sakali may humingi ng tulong, agad reresponde kami."

Sabi naman ni Lumen, "Aba! Ang kakayahan na iyon ay hindi basta tinuturo. Yun ay namamana. Hindi ko basta puwede ituro sa iyo ang pamamaraan. Ikapapahamak niyo pa yan. Kumuha ka na lang ng Medisina kapag nakatuntong ka ng college. Mas nakakatulong ka pa sa kapwa."


Sumang-ayon din si Daisy, "Tama si Lola, Kuya. At isa pa, sa talino mong yan, dapat kumuha ka ng kurso na Medisina o Abogasya. At saka, maliit lang ang kinikita ng mangagamot dito sa baryo."

Nagusisa naman si Donald, "Sa kabisera niyo po ba kami pagaaralin, Lola?"

Sagot naman ng Lola, "Oo. Pero, dapat mag-aral kayo ng mabuti. Para makakuha kayo ng scholarship."

Sabay pa sila, "Opo, Lola Lumen."

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again