/ 
Beware, They Are Bad News! 8 Chapter Seven
Download
https://www.novelcool.com/novel/Beware-They-Are-Bad-News.html
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-7-Chapter-Six/3619549/
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-9-Chapter-Eigh/3619551/

Beware, They Are Bad News! 8 Chapter Seven

Kasulukuyan na nagkakagulo lahat ng mga diwata sa palasyo nang pinabalita ni Esmeralde na pinaslang ni Reyna Amaryllis si Reyna Aster.

"Magsitigil kayong lahat!" utos niya.

At siya ay nagpatuloy, "Ngayon wala na ang Inang Reyna, ako na ang hahalili sa kanyang trono. At ngayon din, lilikas na tayo. Ayaw kong pati kayo ay mapahamak. Natitiyak ko na may binabalak na masama si Reyna Amaryllis laban sa atin."

Sabi naman ng punong ministro, "Tama si Prinsesa Esmeralde. Wala na tayong aasahan pa kundi manampalataya sa inatasan ng Reyna na pumalit sa kanya."

Nagreklamo ang isang lalakeng diwata, "Paano ang iyong kapatid na si Chrysantha. Napakalakas ang kapangyarihan niya. Lalo na meron siyang alagang halimaw. Baka patayin niya tayong lahat."

Nangamba din naman ang ibang diwata dahil tama rin ang rason siyan.

Sabi naman ni Esmeralde, "Huminahon kayo! Dahil ngayon din, lilikas tayo. Maghahanap tayo ng lugar na hindi matatagpuan ng mga Dalaketnon. Para lahat tayo ay ligtas mula sa mapangahas nating mga kaaway. Nagsusumamo ako na magtiwala kayo sa aking kakayahan na mamuno. Gagamitin ko ang lahat ng tinuro sa akin ng aking Inang Reynang Diwata para mapangalagaan ang lahi natin."

At nung araw din iyon, lumikas sila sa kanilang kaharian. Sila ay naglakbay sa malayo. Hangang sa natagpuan nila ang magandang lugar na parang paraiso.

"Dito tayo titira. Dito natin sisimulan ang ating bagong buhay." sabi ni Esmeralde.

At nagawa na, ito na ang permanenteng tirahan ng mga diwata. At gamit ng kapangyarihan ng malalakas na Diwata gaya ng punong ministro at Esmeralde, gumawa sila ng pananga para hindi sila matutunan ng kanilang mga kaaway. At ang kanilang tirahan ay masasabi ng tagung-lugar na hindi na matutunan ng sinu mang encanto.

**************

Nabalitaan ni Reyna Amaryllis na tuluyang ng lumikas ang mga diwata.

"Milesia, totoo ba ang narinig ko? Ang mga diwata ngayon ay hindi na matatagpuan ng kahit sinu mang encanto?" tanong niya.

"Opo, Kamahalan. Ayaw nilang makialam pa sa atin. Lalo na nalaman nila na pinatay niyo ang kanilang reyna." sagot naman ng saserdote na si Milesia.

"Magaling kung ganun. Ang kaharian ko na ang kikilalanin na pinakamalakas at pinakamatatag sa lahat." tuwa ni Reyna Amyrillis.

Narinig ang paguusap na iyon ni Prinsesa Chrysantha. Sa kabila ng lahat, nalungkot din siya dahil hindi na niya muli makikita pa ang kanyang kapatid na si Esmeralde.

Pinutahan niya si Bruno, ang kanyang alagang halimaw. At gamit ang kanyang kapangyarihan, si Bruno ay ginawa niyang isang puting kalapati.

At inutusan pa niya ito, "Bruno, gusto ko lumipad ka at hanapin mo ang kinaroroonan ng mga diwata. At bumalik ka sa akin kapag natagpuan mo na sila. Sa anyo mo bilang isang ibon, hindi sila matatakot sa iyo. At ikaw ay kanilang pagkakatiwalaan."

Lilipad na sana si Bruno nang bigla lang itong tinamaan ng apoy at kaya siya ay nasunog at namatay. Paglingon ni Chrysantha, nandun pala sa likuran niya si Reyna Amaryllis. Kanina pang pinapanood ang ginagawa niya.


"Mahal Kong Tiya, ano itong ginagawa mo?" sabi niya.

At hinila ang buhok niya, saka dinala siya sa kanyang silid - tulugan, "Napakasutil mo talaga, bata ka, kahit kailan! Lagi mo sinusuway ang mga inuutos ko!"

Nagmamakaawa si Chrysantha dahil baka saktan pa siya ni Reyna Amaryllis.

Sabi pa ni Reyna Amaryllis, "Hindi pa ba sapat ang mga binibigay ko sa iyo? Binigyan kita ng karadagang kapangyarihan. Binihisan pa kita ng mas magaganda pang mga damit. Ito pa ang igaganti mo sa akin. Hindi ko pahihintulutan na makikipagugnayan ka pa sa iyong kapatid na inutil!"

At saka lumabas si Reyna Amaryllis para ikandado ang kanyang kuwarto.

Nagmamakaawa si Chrysantha, "Pakawalan niyo ako dito. Tulungan niyo ako, mga kawal!"

Sabi naman ni Reyna Amaryllis, "Walang makakarinig sa iyo dito. At hangang hindi mo isasaksak sa kukote mo na ako lang ang pamilya mo, hindi kita pagbubuksan ng pintuan."

At nabahala na si Chrysantha sa naging trato sa kanya ng kanyang tiya. Siya ay iyak ng iyak.

Hangang sa may dumapo na itim na uwak sa bintana. Nakilala niya ang uwak na iyon. Siya ang alaga ni Demetria. Kaya nagkaroon siya muli ng bagong pagasa.

Ang uwak na iyon ay nagbago ng anyo bilang isang dragon. Sinira niya ang bintana ng kanyang kuwarto. At sumakay si Chrysantha sa likod ng dragon. Lumipad sila palayo ng kastilyo.

Nagalit si Reyna Amaryllis sa nangyari na pagtakas ni Prinsesa Chrysantha. Kaya pinahanap niya sa mga kawal ang nawawalang prinsesa na pinamumunuan naman ng saserdote na si Milesia.

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again