Nakasanayan na rin nina Daisy at Donald gamitin ang kanilang tunay na pangalan.
Sa payak na pamumuhay, sila ay namuhay ng masaya kapiling ang kanilang ama. Tumutulang sila sa mga gawaing bahay. At higit pa roon, umaani rin sila ng mga bunga sa kabukiran na siya rin pinangkukuhanan nila ng makakain.
Samantala, si Demetria ay nagtungo sa tangapan ni Mrs. Luciana Gonazalo para sa isang business proposal. Pero ang katotohanan ay gusto niya ibalik si Floresca sa mundo ng mga encanto para makapiling siya muli ng kanyang asawa na si Amarillo.
Sumakay sila sa kotse ni Demetria at naglakbay sila sa probinsya. At ang kotse na iyon, dumaan sa kakahuyan para magtungo sa kinaroroonan ni Amarillo at ang kanyang mga anak.
Nang nakarating na sila sa nayon na iyon, nagtataka itong si Luciana.
Sabi niya, "Masyadong tago itong lugar na ito. Kung titingnan natin, malayo ito sa barrio o sa kabisera. Paano nabubuhay ang mga tao na nakatira dito?"
Sagot naman ni Demetria, "Ang mga ibang kalalakihan ay nangangaso ng baboy ramo o usa. Pero karamihan naman dito ay nagsasaka. Nagtatanim din sila ng mga bungang kahoy, mga gulay at mga butil sa bukid. Gusto kang makilala ng personal ng aking kapatid para mahingkayat ka maging kasosyo sa negosyo niyang taniman."
At mga oras na iyon, paglabas ni Donald sa kanilang bahay, nakita siya ni Luciana, "Hindi ba ikaw yung namamasukan sa akin bilang houseboy? Ano ang ginagawa mo rito?"
Kinabahan si Donald. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Tumalikod siya at tumakbo papasok ng bahay.
"Teka, kinakausap kita. Huwag mo akong tatalikuran!" tawag ni Luciana.
Ang paalaala naman ni Demetria, "Pagpasensyahan mo na ang binatang iyan. Talagang mahiyain yan."
Giit ni Luciana, "Totoo ang sinasabi ko. Kilala ko ang lalakeng yan. Siya yung boy namin. At kasulukuyan graduate na sana siya ng Medicine. Pero, pag-attend niya sa concert event sa school ng kapatid niya, hindi na siya bumalik para magtrabaho sa akin."
Nagbuntung-hininga itong si Demetria, "Hay! Ganun talaga ang mga kabataan ngayon. Tara, pumasok na tayo sa loob."
At pagpasok nila, nakita ni Luciana si Amarillo na akbay - akbay ang magkapatid.
Pagpapakilala ni Demetria, "Mrs. Gonzalo, this is Mr. Mark Phoenix Demetria, my younger brother. Siya yung sinasabi kong may business proposal sa inyo."
"It's so nice to meet you." nakipagkamay si Luciana kay Amarillo.
Paanyaya naman ni Amarillo, "Tara, sabay-sabay na tayong kumain. Mukhang malayo yata ang nilakbay niyo ng Ate ko."
Napansin ni Luciana na maraming pagkain ang hinanda. At kapansin-pansin din ang itim na butil na inihain sa mesa.
"What is this? Is it black rice? I am sorry. Hindi talaga ako kumakain ng rice. Ulam at prutas na lang ang kakainin ko." tangi ni Luciana.
Hindi kumibo sina Donald at Daisy. Nagtinginan na lang sila sa isa't isa.
"Luciana..." tinawag siya ni Amarillo.
Tumingin si Luciana kay Amarillo.
At gamit ng kapangyarihang hypnotismo ni Amarillo, nauutusan niya ang diwa ni Luciana.
"Inuutusan kitang kumain ng itim na butil ngayong gabi. Pagkatapos n'un kakalimutan mo na lahat at kung anong klaseng pamumuhay mo sa mundo ng mga tao."
At nhypnotized nga itong si Luciana. Hindi siya umimik. Sinunod na lang niya ang utos na sinabit na encantasyon ni Amarillo. Nakisalo siya sa kanila sa mga hinandang pagkain sa mesa.
Tinanong ni Amarillo si Luciana, "Masarap ba?"
Tumango lang si Luciana. At para siyang robot na sumusunod sa utos ni Amarillo.
Tinawag ni Amarillo ang babaeng nagsisilbe sa kanila, "Ihanda mo na ang susuotin ni Luciana ngayong gabi. Dahil dito siya matutulog sa atin."
"Opo, Mahal na Pinuno." tugon ng babae.
Tinanong ni Daisy si Amarillo, "Itay, kailangan niyo ba talagang gawin ito?"
Sagot naman ni Amarillo, "Margarita, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, gagawin mo rin iyon."
At sinabihan si Daisy ng kapatid niya, "Kumain ka na diyan. Baka magalit pa sa atin si Tatay."
...
Chapter end
Report
|
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
|