/ 
Beware, They Are Bad News! 11 Chapter Ten
Download
https://www.novelcool.com/novel/Beware-They-Are-Bad-News.html
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-10-Chapter-Nine/3619552/
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-12-Chapter-Eleven/3619554/

Beware, They Are Bad News! 11 Chapter Ten

Two Years Later

Nagsagawa ang performing arts school na magkaroon ng fund raising concert para sa mga charity organization na sinusuportahan nila. Ang banda ni Daisy ang isa sa mga magpe-perform sa concert na iyon.

Binigyan din ni Daisy si Mr. Demetria ng imbitasyon na dumalo sa concert na iyon.

At nung gabing iyon na si Daisy na ang kakanta, parang may kakaibang nangyari.

Dahil sa vocals niya, nakalikha siya ng sonic wave na hindi matukoy ang kadahilanan. At bukod pa doon, nabasag ang mga bumbilya na nakakabit sa kisame at natakot ang mga dumalo kaya sila nagakakagulo. Nagmamadali rin silang tumakbo palabas ng concert hall.

Natatakot si Daisy sa nangyari. Pinuntahan siya agad nina Mr. Demetria at Donald para siya ay alalayan at mailayo sa mga taong nagkakagulo. At sumakay sila agad sa sasakyan ni Mr. Demetria.

Habang sila ay bumibiyahe, tahimik lang ang magkapatid. Hindi nila pinagusapan ang nangyari sa concert kanina. Pero kapwa nilang naintindihan na meron talaga silang taglay na kapangyarihan.

Pero ang inisip ni Donald, "Hindi kaya namana natin ito kay Lola."

Sabi naman ni Daisy, "Matagal ng patay si Lola. Patahimikin mo na siya."

At ito naman si Mr. Demetria, gusto sila kausapin tungkol sa kani-kanilang mga kapangyarihan, "Kakaiba kayong magkapatid. At hindi ko alam, kaya niyo palang gumawa ng mga bagay na hindi ginagawa ng mga ordinaryong tao."

Kinakabahan naman si Daisy sa sinasabi ni Mr. Demetria.

At nagpatuloy ito, "Pero huwag kayong magalala. Dahil naintindihan ko ang sitwasyon niyo. May mga bata talagang espesyal kagaya niyo. Huwag niyo itong katakutan. Dapat pagaralan niyo ito kung paano niyo pa mapapalakas ang kapangyarihan niyo."

Sabi naman ni Daisy, "Ayaw po namin matawag kaming freak ng mga kaibigan namin."

Dagdag pa ni Donald, "Ayaw rin namin na tatanda kaming kinakatakutan ng mga tao dahil sa kakayahan namin. Siguro, laman na ng balita ngayon si Daisy dahil sa nangyari."

Ngumiti lang si Mr. Demetria, "Huwag kayong magalala. Doon sa bayan namin kayo titira. Hindi kayo matutunton ng mga tao doon. At doon, sariwa ang hangin at masasarap ang mga pagkain kasi organic. Hindi tulad dito sa Maynila."

Natuwa naman si Donald, "Naku! Nakakexcite naman, Bossing!"

At nagbiyahe na sila patungo sa bayan na sinasabi ni Mr. Demetria. Gabi na nang nakarating sila doon. Nadatnan nila ang isang payak na bahay na yari sa kawayan.

At nandun ang isang ale na masasabing namamasukan kay Mr. Demetria, "Sir, sila po ba yung mga bata na sinasabi niyo na taga - Maynila?"

Sagot naman ni Mr. Demetria, "Oo, sila na nga. Mga binata at dalaga na, ano?"

Sumangayon ang babae, "Oo nga. Nuong unang kita ko pa sa kanila, Sir, mga sanggol pa ang mga yan."

Nagtataka naman sina Daisy at Donald sa binangit ng babae.

Paanyaya ng babae, "Pasok kayo. Baka gutom na gutom na kayo."


At nakahanda na sa hapag-kainan ang masarap na pagkain. At napansin nina Daisy at Donald na ang kanin nila ay kulay itim.

Sabi naman ni Mr. Demetria, "Masustansya ang butil na yan. Diyan nga ako lumalakas. Sige, kain na kayo."

At walang pang isang segudo, nakaupo na agad si Donald at tinitikman na niya ang mga pagkain.

Pinagsabihan siya ni Daisy, "Ano ka ba, Kuya? Mahiya ka naman."

Sabi naman ni Donald, "Tayo na nga inaalok kumain. Nahihiya ka pa."

At umupo na si Daisy para kumain ng mga pagkain na hinanda sa mesa.

Nung gabing iyon, matutulog na si Daisy, nang humarap siya sa salamin, napansin niya na may mga pulang marka siya sa kanyang balikat. Hindi pa niya ito napapansin dati.

Pinakita niya iyon sa kapatid niya, "Kuya, tingnan mo. Baka nagkallergy na ako dahil sa mga kinain ko kanina."

Sabi naman ni Donald, "Makati ba?"

Sagot naman ni Daisy, "Hindi naman. Pero ang hitsura niya parang katulad doon sa ..."

At naalala niya ang nilalang na kamukha niya na nagpakilala sa kanya na Chrysantha. Katulad kay Chrysantha ang mga marka na nasa balikat niya.

Pumasok sa silid ni Donald si Mr. Demetria, "Hindi pa ba kayo matutulog?"

Sinabihan agad ni Donald si Mr. Demetria, "Sir, bakit po may ganitong marka ang kapatid ko?"

At nakaisip naman ng ideya si Daisy, "Kuya, patingin nga ang likod mo."

Inangat ni Daisy ang T-Shirt ni Donald para makita niya ang marka na nasa likod niya na sinasabi ng mga magulang nila na ito ay kanyang birthmark. At nagulat siya sa nakita niya. Dahil malaki na ang marka na nasa likod ni Donald hindi kagaya ng dati na parang tuldok lang.

At nagpaliwanag si Mr. Demetria, "Daisy, Donald, may papaliwanag ako sa inyo. Sana maintindihan niyo ako. Kaya kayo may markang mga ganyan dahil kayo ay mga encanto. Hindi kayo tao. Hindi kayo kabilang sa mundo nila. Kayo ay mga Dalaketnon. Kayo ay mga anak ko. Hindi pala Mr. Marx Phoenix Demetria ang pangalan ko. Ako si Amarillo. Dati akong hari ng mga Dalaketnon na ngayon ay pinamumunuan na ng kapatid kong si Amaryllis. Kaya ko kayo dinala rito dahil ang mundo na ito talaga ang tirahan ninyo."

Nagulat sina Daisy at Donald sa nalaman nilang katotohanan sa kanya.

"Hindi maaari. Paano kami napunta sa mga mundo ng mga tao? Bakit ibang magulang ang nagpalaki sa amin?" sabi ni Daisy.

Ang salaysay ni Mr. Demetria, "Dahil iyon sa napagdisisyunan ko noon. Dati kasi, mga sanggol pa kayong magkakapatid, sa katunayan ay apat nga kayong sabay-sabay pinanganak ng nanay niyo, kayo nina Chrysantha, Esmeralde, at ikaw, Malachite, at itong si Margarita. Napunta kayo sa mundo ng mga tao dahil dinala ko kayo doon para protektahan laban sa mga gustong umagaw sa aking trono. Natakot kasi ako sa propesiya ni Demetria, ang dakilang saserdote, na isa sa inyong magkakapatid na magdudulot sa akin ng kamalasan at ikababagsak rin ng aking pamunuan. Nang kikitilin ko ang buhay ni Margarita nuong sangol pa lang siya, malakas na ang taglay niyong kapangyarihan. At ikaw, Margarita, kaya buhay ka pa hangang ngayon dahil iniligtas ka ng iyong kapatid na si Malachite nung isasaksak ko sana sa iyo ang punyal. Nung oras na iyon, may nagsabog ng liwanag. Akala ko si Bathala ang nagpakita sa akin para ako ay parusahan. Si Malachite pala. Pinipigilan niya ako sa aking binabalak."

Napaiyak si Daisy, dahil sa inaakala niyang katotohanan ay pawang kasinungalingan pala. At ang nakilala niyang Dalaketnon sa Maynila ay ang kapatid pala niyang si Chrysantha.

Sabi pa ni Mr. Demetria, "Makakasama rin natin ang mga kapatid niyo. Huwag kayong magalala. At pinapahanap ko na sa aking mga kasama sina Chrysantha at Esmeralde. Makakapiling na rin natin sila."

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again