At ang announcer sa entablado ay tinatawag na sila, "Ano pa ang hinihintay niyo diyan? Pumunta na kayo sa stage, at nandun na si Daisy. Kanina pa kayong iniintay!"
Taka naman ni Bert, ang guitar player, "Paano nangyari iyon? Nagtext kanina si Daisy na malelate daw siya ng 30 mins?"
Niyaya naman ni Bryan si Bert, "Nandun na nga siya sa stage, tara na nga!"
At ang mga kagrupo naman sa banda ay umakyat na ng stage.
Maguumpisa na sana sila tumugtog, nang kumanta itong si Daisy ng ibang piyesa at bigla na lang sila natigilan. Dahil bukod pa sa ibang piyesa ang kinanta niya, iba rin ang lenghuwahe ang ginamit niya.
"Parvum, parvus, nunc somno; Mater tua est, non est hic; Quæ abiit, et ememus panes; Parva, parva, Requiem."
Tinanong ni Bryan si Daisy, "Uy! Daisy, ano ba yang kinakanta mo? Hindi yan yung kakantahin mo."
Hindi siya pinansin nito. At bumaba na lang siya ng stage, habang ang ibang mga tao nakikinig ay biglang natulog dahil sa awitin niya.
Nagtataka na yung mga miyembro ng banda bakit nakatulog ang mga tao. At nagulat din sila sa kinikilos ni Daisy. Bumaba sila ng stage para habulin nila ito. Pero, may narinig silang boses na tumatawag sa kanilang atensyon.
"Guys! Wait, nandito na ako!" ---- Si Daisy!
At sila ay nagulat, dahil nadiskubre nila na hindi si Daisy yung nakita nila kanina. Kundi ibang nilalang.
Nilapitan nila si Daisy. Sabi ni Bryan, "Daisy, nakakatakot yung nangyari kanina. Yung doppelganger mo, umakyat ng stage. Kumanta siya at napatulog niya ang mga tao. Naku, baka ano pa ang mangyari sa iyo dahil sa doppelganger na iyon. Sundan natin at talukbungin natin ang ulo niya para hindi ka mapahamak."
At hinabol nila ang doppelganger na tinutukoy nila. Nang nasilayan muli nila ito sa isang kalye na walang katao-tao. Tinawag nilang ang atensyon nito.
"Miss, sandali lang!" tawag ni Aldrin.
Huminto sa paglalakad ang doppelganger. At lumingon sa kanila. Sila ay natakot dahil ang mata niya ay parang nanlilisik na tumingin sa kanila ng diretso. Samantalang ito naman si Daisy tinakpan niya ang kanyang mga mata ayon sa nakagawian na huwag tumingin ng deretso sa doppelganger.
Sabi ng babae, o doppelganger, "Babae, tangalin mo yung takip sa mga mata mo. At tingnan mo ako ng diretso!"
Sabi naman ni Aldrin, "Daisy, huwag kang sumunod sa kanya!"
Pero, curious itong si Daisy makita kung ano ang hitsura ng doppelganger niya. Nang tinangal niya ang kanyang kamay sa mata niya, tiningnan niya ang kanyang mukha. Pero, hindi siya nakaramdam ng takot.
Tinanong siya ni Daisy, "Sino ka? Ano ang ginagawa mo sa amin? Encanto ka ba o masamang ispirito?"
Sagot naman ng babae, "Hindi ako isang masamang ispirito. Isa akong Dalaketnon. Napakaganda mo pala. Kawangis ka ng aking katangi-tanging kapatid na si Esmeralde. Ako nga pala si Chrysantha. Kinagagalak kitang makilala. Hangang sa muli."
At naglaho na ang babae na parang bula.
Nagulat silang lahat. Sabi naman ni Bert, "Ang galing! Parang magic."
Doon nagtataka si Daisy, kung bakit may isang encanto na napakaganda at naging kamukha pa niya.
At naging curious siya tungkol sa mga Dalaketnon.
Sabi naman ni Bryan, "Hindi pala siya masama. Akala ko, masasaktan niya tayong lahat. Tara, bumalik na tayo doon. Baka, gising na yung mga tao."
At paglakad nila pabalik sa tanghalan, biglang may nagtext kay Daisy, ang kuya niyang si Donald,
"Daisy, nasa ospital ako. Naaksidente kami nina papa at mama. Pero, ako lang ang nakaligtas. Puntahan mo kami dito."
At sinabihan niya ang mga kasama, "Guys, hindi muna ako sasama sa inyo. May family emergency."
At nagtext ulit si Donald para sabihin kung saan ospital iyon.
Pinuntahan ni Daisy ang ospital na yon. Nang nakita niya na nasa emergency room si Donald at bumuti ang kundisyon, kinausap siya nito.
Sabi ni Donald, "Daisy, nagkatotoo ang panaginip na mangyayari ito. Sana winarningan ko sina mama at papa na huwag na kaming tumuloy bumiyahe."
Sagot naman ni Daisy, "Hayan ka na naman, Kuya. Actually, panaginip lang naman iyon. At yung aksidente, nagkataon lang."
...
Chapter end
Report
|
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
|