Unang hinanap niya ang kanyang asawa na si Amarillo, "Amarillo!"
Lumabas ng bahay si Floresca, nakita niya si Amarillo kasama ang kanilang mga anak na sina Margarita at Malachite. Kagagaling lang nila sa bukid at dala ang mga ani nilang bungang - kahoy.
"Floresca, nagbalik na ang iyong alaala!"
Binitawan niya muna ang kanyang dala at niyakap niya ang kanyang asawa na matagal ng nawalay sa kanya.
Nakita ni Floresca sina Margarita at Malachite. Tinawag niya si Margarita, "Esmeralde, ang anak ko. Mabuti nagbalik ka sa amin."
Tangi naman ni Margarita, "Hindi ako si Esmeralde. Paumanhin po."
At pinakilala sila ni Amarillo kay Floresca, "Mahal ko, sila ay ang mga anak natin na dinala ko sa mundo ng mga tao. Nilihim ko ito sa iyo dahil alam kong sasama ang iyong loob sa akin. Pero ginawa ko lang iyon para maging ligtas sila. Ngayon ay kapiling na natin sila. Ang mga pangalan nila ay Malachite at Margarita."
Bumugso ang damdamin ni Floresca sa nalaman niya kay Amarillo. At niyakap niya ang dalawa niyang anak, "Mga anak ko..."
Sa hindi inaasahan, sinalakay sila ng makapangyarihan na reyna ng mga Dalaketnon na si Amaryllis.
Sabi niya, "Nakakatuwa ka, aking kapatid. Kung ikumpara dati, malakas ka na ngayon at nakapagbubuhat ka pa ng mabibigat. Kita mo nga naman! Magkasama na muli kayong mag-anak. MGA HANGAL!"
Hinarap ni Demetria si Amaryllis, "Lubayan mo sila, Amaryllis! Ako ang iyong harapin!"
Nagulat naman si Amaryllis nang nakita niya muli si Demetria, "Kamanghmangha! Hindi pa tumatalab sa iyo ang matinding lason na pinainom ko sa iyo."
Dala ni Amaryllis ang isang kahindik-hindik na hayop - ang sawa! Sina Malachite at Margarita ay natakot dito.
Sabi ni Amaryllis kay Demetria, "Naalala mo ba ang nilalang na ito? Siya ang dati mong kanang-kamay na si Milesia na ngayon ay isa ko ng alipin. Ginawa ko siyang sawa para ikaw ay tuklawin."
At ang anyo ng sawa ay mas lumaki pa. Isang iglap, ang kahindik-hindik na halimaw ay nilamon si Demetria ng buo .
Bago pa maghasik ng lagim ang higante, biglang may umatake na bolang apoy. Nasunog ng buo ang higanteng sawa. Nangagaling sa isang higanteng dragon ang bolang apoy na iyon na syang sinasakyan ni Chrysantha.
Kanina pa siya sa himapapawid na pinagmamasdan ang buong pangyayari.
Bumaba si Chrysantha at hinarap si Amaryllis, "Patay na ang alaga mo! Wala ka ng kakampi ngayon."
Galit na galit itong si Amaryllis sa pangungutya ni Chrysantha, "Wala kang utang na loob! Matapos kong ituro sa iyo ang lahat ng aking nalalaman sa mahika, ganyan ang igaganti mo sa akin?"
Sinuway naman siya ng kanyang kapatid na si Amarillo, "Itigil mo na ito, Amaryllis. Nasa iyo na ang lahat. Hayaan mo na kaming mamuhay ng tahimik. Huwag mo na idadamay ang sino man sa mga anak ko."
At kinuha niya ang kanyang punyal para ihagis ito kay Amarillo, ngunit natigilan siya nang naramdaman niya may sumaksak sa kanyang likuran --- SI ESMERALDE.
Sabi pa ni Esmeralde, "Labag sa kalooban ng mga Diwata ang kumitil ng buhay. Pero sa pagkakataon na ito, hindi ko ito palalampasin. Lalo na ikaw pa ang sumira sa pagsasama naming pamilya!"
Matindi ang tama ng saksak ni Amaryllis mula sa punyal na ginamit ni Esmeralde.
At ang huling utos ni Esmeralde, "Mga kasama, nandito ang ating matinding kaaway! Hatulan niyo na siya."
At ang mga Dalektnon na nakapaligid kay Amaryllis ay isa - isa hinugot ang kanilang mga itak at punyal at pinagtataga at pinagsasaksak si Amaryllis hangang mawalan na ito ng buhay.
Sabi naman ni Esmeralde habang pinagmamasdan niya ang walang buhay na katawan ni Amaryllis, "Talagang kay pait ng kanyang tadhana."
...
Chapter end
Report
|
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
|