/ 
Beware, They Are Bad News! 7 Chapter Six
Download
https://www.novelcool.com/novel/Beware-They-Are-Bad-News.html
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-6-Chapter-Five/3619548/
https://www.novelcool.com/chapter/Beware-They-Are-Bad-News-8-Chapter-Seven/3619550/

Beware, They Are Bad News! 7 Chapter Six

Araw ng Sabado, sinamahan ni Daisy ang kapatid niya sa mansyon ng mga Demetria para bantayan ang comatose na pasyente.

Pagdating nila sa mansyon, maraming masasarap na pagkain na nakahain sa mesa. Si Daisy, medyo nahihiyang tumikim. Tutal, nakakain naman siya ng breakfast bago umalis sa kanila. Ito naman si Donald, takaw tingin.

"Wow! Ang sasarap ng mga pagkain!"

Anyaya pa ni Mrs. Demetria, "Sige, kumain kayo. Para sa inyo talaga yan."

Sabi naman ni Daisy, "Salamat na lang ho. Busog pa po kami."

At hindi namalayan ni Daisy na nakaupo na si Donald at isisang tinitikman ang mga pagkain.

Sabi pa ni Donald, "Tikman mo itong letson - manok. Ang sarap ng pagkaluto nila dito. Parang Kenny Rogers."

Sinuway naman ni Daisy si Donald, "Kuya, ano ka ba? Nakakahiya!"

Sabi naman ni Mrs. Demetria, "Ayos lang yan, Daisy. Pagbigyan mo na ang kuya mo. Alam mo, naalala ko sa kanya ang bunso kong kapatid. Nung dating bata pa siya at malakas pa, ganyan din siya kakulit."

At ito naman si Mrs. Demetria, biglang nanghina at mukhang mawawalan pa ng malay. Inalalayan naman agad siya ni Daisy, "Ok lang po kayo, Ma'am?"

Pinaupo niya si Mrs. Demetria sa sofa para ito makapagpahinga.

Sabi naman ni Mrs. Demetria, "Ok lang ako. Ganito talaga pag tumatanda na. Ang iniintindi ko lang, ang kapatid ko. Sino ang aalalay sa kanya pag wala na ako?"

Sagot naman ni Daisy, "Huwag niyo siyang alalahanin. Kami po bahala ni Kuya ang magaalaga sa kanya hanga't gumaling na siya at muling makakalakad."

Ngumiti si Mrs. Demetria sa kanya, "Salamat, Daisy. Napakabait mo. Siguro, mababait din ang mga magulang mo at maayos ka nilang pinalaki."

Samantala, sa Kastilyo ni Reyna Amaryllis, tinanong niya si Rubio, "Ano na ang balita? Nahanap mo ba ang tusong saserdote at ang kapatid kong si Amarillo?"

Sagot naman ni Rubio, "Hangang ngayon, patuloy pa rin kami sa paghahanap. Pero, hindi namin sila makita."

"Mga walang silbe! Paano kung nagplaplano na pala sila kung paano nila mababawi ang korona. Hindi puwede mangyari ito?" galit ni Reyna Amaryllis.

Sa poot niya, gamit ang kanyang kapangyarihan, unti-unti niyang hinihigop ang kaluluwa ni Rubio hangang ito ay nawalan ng buhay.

Sabi pa ni Reyna Amaryllis, "Milesia, sa ngayon, ikaw muna ang hahalili kay Demetria. Nakakasiguro ako, sa tapang ng lason na pinainom natin sa kanya, unti-unti siyang mamamatay. Suwerte lang niya kung buhay pa siya hangang ngayon. Pero, nakakatitiyak ako, hindi tatagal ang kanyang buhay."

Sang-ayon naman si Milesia, "Tama po kayo, Kamahalan."

At isa pang utos ni Reyna Amaryllis, "Maghanda ka, Milesia, gawin mo ang nararapat. Halughugin mo ang buong kaharian. Tiyakin mo kung totoo ang sinasabi ni Rubio na hindi na talaga makikita pa sina Demetria at Amarillo."

Sumunod rin si Milesia, "Masusunod, Kamahalan."


At kasama ang mga ilang kawal, hinalughog nila ang buong kaharian, pero gaya ng inaasahan, hindi nila nakita sina Demetria at Amarillo.

Nakarating sila sa ilog, kung saan daluyan ng mga encanto papunta sa daigdig ng mga tao.

Sabi ng isang kawal, "Hindi kaya nagtungo sila sa daigdig ng mga tao?"

Sagot naman ni Milesia, "Maaari. Pero, sa tingin ko, hindi na rin sila tatagal. Kapwa na silang mahina. At hindi na nila kaya bumuo ng hukbo laban sa ating reyna."

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again