/ 
Amore Vengativo 30 Chapter Twenty - Nine
Download
https://www.novelcool.com/novel/Amore-Vengativo.html
Next>>
https://www.novelcool.com/chapter/Amore-Vengativo-29-Chapter-Twenty-Eigh/3619594/

Amore Vengativo 30 Chapter Twenty - Nine

Gaya ng kinagagawian, tinitingnan ni Mr. del Real ang baby photo album ng mga anak niya. Pumasok si Maverick at may dala siyang tsaa dahil ugali na ni Mr. del Real uminum ng tsaa bago pagkatapos kumain ng hapunan.

"Dad, ang tsaa niyo po." sabi ni Maverick.

"Sige, lapag mo lang sa table, anak." bilin ni Mr. del Real.

Nang nailapag ni Maverick ang tasa ng tsaa sa table, napansin niya may isang brown na photo album na nakasula ang pangalang, 'Baby Gregory'. At naisip ni Maverick na malamang yung bata na nakita nila sa video ay anak din ng papa niya na ang pangalan ay Gregory.

Binuklat niya ng dahan -dahan ang video, habang si Mr. del Real ay pumunta ng banyo. At tama nga ang hinala niya nang nakita niya ang larawan.

At lumabas si Maverick dala niya ang album na yon. Pinakita niya kay Maita ang album.

Sabi ni Maita, "Ibalik mo na yan kay Daddy. Baka magalit pa siya."

Nagulat nila nang biglang pumasok si Maya at tinanong sila, "Ano ang dapat ibalik kay Daddy?"

At nakita ni Maya na nasa kanila ang photo album ng daddy nila.

"Maverick, ang kulit mo naman kasi! Akin na nga yan? Lalong magagalit si Daddy sa ginagawa mo." bilin niya.

At kinuha ni Maya at pumunta siya sa kuwarto ni Mr. del Real.

Sabi ba naman niya, "Si Maverick, nagiging nosy na. Kung anu-anong dinadampot sa kuwarto ninyo."

"It's ok, anak. Malalaman din nila ang tungkol kay Gregory." pakiwari naman ni Mr. del Real.

"Eh, Dad. You said nga, ang mga patay ay hindi na dapat pagusapan."sabi naman ni Maya.

"You really have no affection to your brother." sabi ni Mr. del Real.

"Basta, Dad, kami lang nina Maverick at Maita ang mga anak mo. About Giselle, Craig, Gregory and Chloe, hindi ko sila tinatangap na kadugo." sabi ni Maya.

At lumabas na siya ng kuwarto. Umiiling na lang si Mr. del Real. Hindi na niya alam kung paano pa magbabago ang ugali ni Maya.

Nagkulung ulit siya sa kuwarto at kinausap niya si Fredo sa cellphone.

"Fredo, yung mga ginagawa natin sa mga girls, parang nagbabackfire sa akin. Hindi ko malaman kung talagang patay o buhay ba si Gregory. At ang iniisip ko na baka si Gregory ang nagpakana na pagdukot sa akin at pagsunog ng mukha ko." sabi ni Maya.

"Really? Maski yung pagpatay sa mga alaga namin ni Daniel, wala kang kinalaman doon?" taka ni Fredo.

"Nooo... Kelan ba ako pumapatay ng hayop? Yuck? Ni pagkatay nga ng manok nung tumulong ako minsan sa kusina, hindi ko magawa." pakiwari ni Maya.

"Hindi kaya si Maita ang may gawa ng mga yon?" usisa ni Fredo.

"No! Nagtratrabaho si Maita n'un. At ako naman nasa boarding house niya. At isa pa, yung ginawa ko sa mga girls, yun lang ang huling natatandaan ko. Hindi ako pumunta sa bahay ni Daniel at mas lalo na hindi ko pinatay ang alaga mong si Muning." paliwanag ni Maya.

Biglang pumasok si Mrs. del Real, narinig niya ang sinabi ni Maya. Nagulat siya at kinompronta niya si Maya, "Anak? Ano ba itong pinagsasabi mo?"


"Ma?" gulat ni Maya at binaba na niya ang cellphone.

"Can you please explain to me what is really happening?" nalilitong si Mrs. del Real.

"Ma, let me explain. Ganito po kasi yun. Dahil sa pagdukot sa akin at pagkasira ng mukha ko, iniisip ko baka isa sa malalapit sa akin ang gumawa n'un. Pero, I am too emotional kaya ko nagawa ang mga bagay n'un." paliwanag ni Maya.

"Whaaat? Pinagalala mo kaming lahat sa mga nanagyayari sa mga kapatid mo at sa mga kaibigan mo. Tapos, sasabihin mo, you are emotional so you did those things?" galit na galit na sabi ni Mrs. del Real.

"Ma, I am so sorry. Kung nakikita mo ang katayuan ko, yun din ang gagawin mo, di ba?" paliwanag ni Maya.

"Okay! Let's forget about those things! Gusto ko, ikaw mismo ang humingi ng tawad sa mga magulang nina Chloe, Davina at Giselle. At pati na rin sa mga parents nina Daniel at Fredo." payo ni Mrs. del Real.

"Ma, how could you do that? I can't!" hindi pagsangayon ni Maya.

"Okay? Kung ayaw mo, huwag mo na lang ako kausapin habang buhay." banta pa ni Mrs. del Real.

"Sige, gagawin ko po." nagsisisi si Maya.

Kinabukasan, pumunta ang parents nina Daniel, Fredo, Davina, Chloe at Giselle sa bahay ng mga del Real. Nagpaliwanag si Maya sa kanila at humingi na rin ng tawad. Nagulat silang lahat at lalung - lalo na si Senadora, na ina ni Giselle.

"Maya, naniniwala kami na nagsisisi ka sa ginawa mo sa mga kaibigan mo. Pero, huwag mo na uulitin yon. Alam mo, hindi maganda ang paghihiganti." sabi ni Senadora.

Ang sagot naman ni Maya, "Nasabi niyo lang yan dahil wala kayo sa katayuan ko."

"Kung sino man may gumawa ng ganyan sa iyo, malalagot din. Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita. Pero, huwag mong pagisipan ng masama ang mga kapatid mo at mga kaibigan mo." sabi niya.

At nakatangap na ng tawag si Mrs. del Real mula kay Hepe. Nahuli na raw ang mga kalalakihan na dumukot sa kanya. At ang tinuturo daw na suspect ay si Gregory del Real.

At hindi akalain ni Mrs. del Real na buhay pa si Gregory del Real. Agad niya sinabihan ang kanyang asawa. Nalaman din ito ng mga bisita dahil nandun sila nang binalita ni Hepe na si Gregory ang dumukot.

Hindi rin makapaniwala si Senadora na si Gregory, ang kanyang anak ang nagutos nag gawin ang ganitong krimen. Pero, ang alam ng lahat ay patay na si Gregory.

Sabi ni Mrs. del Real, "Bakit ka nagsinungaling sa amin? Akala ko patay na si Gregory?"

Lahat ay nakatingin kay Senadora. Hindi siya umimik. Nagtataka si Maya, "Si Gregory? Yung batang lalake na kakambal ni Giselle na kinukuwento ninyo?"

Tanong pa ni Mrs. del Real, "Saan nagtatago ang anak mo?"

Inaawat naman siya ng nanay ni Davina, dahil galit na galit siya at sasakmalin na niya ang Senadora.

"Patawarin niyo ako. Sasabihin ko na sa inyo. Si Gregory ay walang iba kundi si Giselle! Walang kakambal si Gregory. Nagpangap siya bilang Giselle dahil isa siyang transgender." sabi ng Senadora.

At ang mga pulis ay inaresto na agad si Giselle sa ginawa niya kay Maya.

Dinalaw ni Maya si Giselle at tinanong, "Bakit? Bakit mo ginawa sa akin ito? Akala ko ba magkaibigan tayo? Pero, nagpapangap ka!"

"Buong buhay ko, hiniling ko na sana matangap ako ni Daddy na bilang ako. Ingit na ingit ako sa iyo. Pero, nang nagpopera na ako, mas lalo akong kinamuhian ni Daddy. At ikaw ang mas pinapaboran niya sa amin maski gaano pa kapangit ang ugali mo. Tapos, tatanungin mo, kung bakit ko ginawa sa iyo ang mga bagay na yon? Kahit kailan, hindi ka naging mabait sa mga kaibigan kong sina Daniel at Fredo. Ginamit mo lang sila. Pero, ikaw pa rin ang pinanigan nila. Dahil maganda ka. Tapos, ako iniwan sa ere dahil bakla ako!" sambit niya.

"I am sorry, Giselle, kung may nagawa man akong kasalanan." sabi ni Maya.

"Anong sorry? Hindi ako minahal ni Daddy. Kami, hindi namin dinanas ang magarbong party. Pero, ikaw? Tapos, ang pangit pa ng ugali mo!" sabi niya.

Pagkatapos nang dinalaw ni Maya si Giselle, saka naman si Mr. del Real ang dumalaw sa kanya.

"Anak? Hindi mo dapat ginawa ang mga bagay na ito sa kapatid mo." sabi niya.

"Dad? Nagawa ko na, at wala na kayong magagawa. Nangyari na." sagot niya.

"Pero, pinahamak mo ang mga kapatid mo at mga kaibigan mo. Bago mo ibato ang sisi sa kapatid mo, tingnan mo muna ang sarili mo." sabi pa ni Mr. del Real.

"Sinasabi mo lang yan, dahil ayaw mo ng anak na bakla!" pakiwari ni Giselle.

"Okay! Aaminin ko. Pero, pinalaki ka rin sa tama ng mama mo. At nandyan ang kuya mo na gumagabay sa iyo? Saan ba kami nagkulang?" tanong ni Mr. del Real.

"Bakit, Dad? Kahit kailan, hindi ka nagkulang? Si Maya lang naman ang anak mo. Kami ng mga anak mo sa labas, hindi mo pinapansin. Tapos, tatanungin mo ako ng ganyan?" pakiwari ni Giselle.

At hindi na makakibo si Mr. del Real.

"Pero, nangyari na. Nandito na ako sa loob ng kulungan. At buo na ulit ang pamilya ninyo!" dagdag pa ni Giselle.

...

-END-

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again