/ 
Amore Vengativo 18 Chapter Seventeen
Download
https://www.novelcool.com/novel/Amore-Vengativo.html
https://www.novelcool.com/chapter/Amore-Vengativo-17-Chapter-Sixteen/3619582/
https://www.novelcool.com/chapter/Amore-Vengativo-19-Chapter-Eighteen/3619584/

Amore Vengativo 18 Chapter Seventeen

It has been two weeks since Maita has been busy for community activity with the seminarian brothers and sisters. Kasama rin niya si Violet sa community activity na ito. Ang gagawin nila, pupunta sila sa school around 4:30 AM at kasama nila ang mga street sweepers na maglilinis ng kalsada at school ground. Tutal si Maita naman ay sanay sa mga gawain kagaya nito. Compared naman to Violet na araw - araw na lang ay banas na banas kapag ginagawa niya ito, especially with her na inaakala niyang si Maya.

Isang beses, nilapitan si Maita ng isang seminarian sister. Dati na rin kasi nadesitino ito sa bahay - ampunan sa probinsya kaya siguro namukhaan siya nito. At tinawag niya ito, "Maita, ikaw nga ba yan?"

Sagot naman ni Maita, "No, sister. Maya del Real po ang pangalan ko. Hindi po Maita."

"Ah! Akala ko, ikaw si Maita." sagot naman niya.

Nagtataka naman itong si Violet, dahil hindi niya sinasadya na nag-eavesdrop siya sa paguusap nilang dalawa. Nilapitan niya si Maita.

"Bakit ka tinatawag na Maita?" tanong niya.

"Pangalan yon ng kakambal ko sa bahay-ampunan. Pero, susunduin na namin siya ni Mommy." pakiwari niya na nagkukunwari pa rin na siya si Maya.

"Oh! Grabe pala ang pamilya niyo no? Parang drama sa teleserye?" commento naman ni Violet.

At nagpatuloy na sila sa pagliligpit ng mga kalat na ni-walis para itapon sa basurahan.

At dumerecho na si Maya sa gym's locker para mag-shower muna bago mag-palit ng damit. Pagkatapos nun, alas-singko na ng madaling araw at may tinitinda na sa canteen na pagkain kaya bumili muna siya.

Nilapitan siya ni Violet at tinukso, "Hoy! Baka tumaba ka diyan sa kalalamon mo!"

"Para hotdog sandwich lang at ice tea?" pakiwari naman ni Maita.

"Alam mo? What if kung ikaw nga si Maita yung tinutukoy mong kakambal mo sa bahay - ampunan. Tapos, itong si Maya ang nasa bahay - ampunan? Siguro, magkakasundo tayo. Kasi, compared sa dating ikaw, ni minsan hindi kita nakikitang umiiyak kapag napapagalitan ng coach at you are so kind to Daniel and Fredo, which you always say that they are dorks!" sabi pa naman ni Violet.

"Huh? Siguro, bumait lang ako since that incident happened." pakiwari lang ni Maita.

"Oh! The incident? Naku! Oo nga. Natrauma ka talaga siguro, ano? Ang pangit kasi ng ugali mo eh!" sabi naman ni Violet.

Taka naman ni Maita, "May nalalaman ka bang may lihim akong kaaway sa school kaya ganito ang sinapit ko?"

"Huh? Ako lang naman ang madalas mo nakakalitan eh. Maliban na lang kina Daniel at Fredo. I mean, remembered when we are first year high school, binasted mo si Daniel at tinutukso mo si Fredo na lampayatot?" paliwanag naman ni Violet.

"Ganun ba?" gulat ni Maita.

"Hindi mo siguro natandaan. Tapos, kahapon? Ang bait-bait mo sa kanila. Nakikisayaw ka pa sa kanila ng 'Nei-Nei'? Parang wala lang nangyaring alitan ninyong tatlo? Kaya nga ako nagtataka. But, anyway, I liked the new Maya. Yung considerate and kind. At hindi bully!" dagdag pa ni Violet.


At nang pumatak na ang oras na alas-sais ng umaga, saka dumating si Maverick. Sinalubong naman ni Maita si Maverick.

"Mavs, matatapos na ang school activity ko. At hindi na ako gigising ng maaga." sabi ni Maita.

"Eh, di good!" sagot naman ni Maverick.

Humirit naman itong si Violet, "Nakakatuwa kayong tingnan? Para kayong pinagbiyak na kawayan! But, in fairness, itong si Maverick, mahilig sa arts and music. At minsan, nakikita ko rin siyang active sa P.E. At ikaw naman, cheer dancing at academic decathlon! Wow! The best of both worlds nga kayo? Ano kaya ang talent ni Maita? Yung nasa bahay - ampunan na sinasabi mo?"

"Huh? School decathlon?" taka ni Maita.

"Bakit? Hindi mo ba alam? Every Wednesday, meron kayong meeting. Tapos, nagrereview pa nga kayo para sa Quiz Bee and Science Projects. Nakalimutan mo na ba?" sabi pa sa kanya ni Maverick.

Bira naman ni Violet, "Naku! Siguro sa sobrang focus niya sa cheerdancing practice, nakalimutan niya ang tungkol sa academic decathlon. Hay! Minsan nagdududa na ako kung nag-switch kayo ng kakambal mong si Maita."

Sagot naman ni Maita, "Of course, not! Masyado lang akong busy. Kaya nakakalimutan ko."

At nung gabing yon, hinanap ni Maita sa kasuluksulukan ng kuwarto ang planner niya para malaman niya kung ano ang mga activities niya.

Pumasok sa kuwarto si Maverick at napansin si Maita na parang may hinahanap. At nasa kamay niya ang personal diary at planner kasi isosoli na niya ito sa kanya.

"Nasa akin pala ang mga things mo. Isosoli ko na." sabi ni Maverick.

"OMG! Thanks, God!" sabi niya at yakap - yakap niya ang personal diary at planner.

Biro pa ni Maverick, "Ang weird mo talaga!"

"Sino ba ang hindi matataranta? Hindi ko alam kung ano ang mga activities ko kung wala ang mga ito?"paliwanag niya.

"Wala ka bang soft copies sa iPad mo?" taka ni Maverick.

"Huh? Oo nga ano?" sabi niya at naalala niya na bilin pala sa kanya ni Maya ang mga nakalistang activities sa iPad niya.

"Next time, Maya, kung may hahanapin ka o tatanungin, nandito naman ako. Para ano pa na naging magkambal tayo?" sabi pa ni Maverick.

Saka bumalik na si Maverick sa kuwarto niya.

Samantala, sa ospital, habang kumakain ng salad at soup itong si Maya. Binisita naman siya ng mommy niya na kakagaling lang ng opisina.

"Maayos ba ang lagay mo dito, anak?" usisa niya.

"Ayos lang ako, Ma. Mabait po yung nurse na nag bantay sa akin." sabi ni Maya.

Sabi pa ni Mrs. del Real, "Two weeks pa bago tatangalin ang benda sa mukha mo. At pagkatapos n'un, sa Baguio ka na mag-iistay. Pero pansamantala lang muna, anak."

Inis ni Maya, "Ma, paulit-ulit mo na binibilin yan. At isa pa, medyo nababagot na ako dito. Mabuti na lang may TV."

"Don't worry, anak. Hanga't hindi pa nasa ayos ang lahat, kailangan muna tayo magtago para maging safe." sabi naman ni Mrs. del Real.

"Kamusta naman po si Maita?" tanong ni Maya.

"Heto. Nagaaral sa school. Alam mo, anak? Matalino at mabait itong si Maita. Masunurin ding bata." sabi pa ni Mrs. del Real.

"Hmph! Si Maita na ang favorite mo. Hindi mo na ako favorite." kutya pa ni Maya.

"Ano ka ba, anak? Kayong tatlong magkakapatid ay pareho kong mahal?" sagot naman ni Mrs. del Real.

At umuwi na si Mrs. del Real galing ng ospital. Alas -diyes na ng gabi. Nagpahinga muna siya sa sala. Kagagaling lang ng kusina si Maverick at nilapitan niya ito.

"Ma? May sasabihin po ako sa inyo." sabi ni Maverick.

"Ano yon, anak?" taka ni Mrs. del Real.

"Si Maya nagiging makakalimutin na. Hindi niya alam kung ano ang ang mga activities niya. Pati ang password sa iPad niya, nakalimutan niya. Kailangan pa i-decode yun ni Daniel." paliwanag naman ni Maverick.

"Ganun talaga! Ang tao makakalimutin, Huwag kang mag-alala. Normal lang yon sa case ni Maya." sabi ni Mrs. del Real. At hindi pa niya pinagtatapat na ang Maya na tinutukoy ni Maverick ay si Maita.

"Pero, naayos naman po yung pag-decode sa password ng iPad. At mabuti itong si Daniel, naglaan talaga siya ng time para doon. Ang bait ni Daniel, no?" sabi pa ni Maverick.

Taka ni Mrs. del Real, "Bakit? Crush mo ba siya?"

"Obvious ba?" sagot naman na natatawang si Maverick.

Paalaala naman ni Mrs. del Real, "Anak, bata ka pa. Malayo pa ang mararating mo sa buhay. At yung katulad ni Daniel na hinahangaan mo, marami ka pang makikilala na katulad niya."

Taka naman ni Maverick, "Ayaw niyo ba sa kanya para sa akin, Ma?"

"Hindi naman sa ganun? Kasi, ang napupusuan ni Daniel ay yung kapatid mong si Maya since 1st year high school pa lang sila. At ito naman si Maya, hindi siya type kaya binasted niya. Akala ko nga, hindi na magkakasundo ang dalawang yan." pakiwari naman ni Mrs. del Real.

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again