/ 
Amore Vengativo 16 Chapter Fifteen
Download
https://www.novelcool.com/novel/Amore-Vengativo.html
https://www.novelcool.com/chapter/Amore-Vengativo-15-Chapter-Fourteen/3619580/
https://www.novelcool.com/chapter/Amore-Vengativo-17-Chapter-Sixteen/3619582/

Amore Vengativo 16 Chapter Fifteen

She wants everything to be perfect. Dahil gaganapin ang birthday party para sa mama niya, sinubukan niya muna umabsent sa school ngayon para matingnan mabuti kung nasa ayos ang lahat. She checked every details from flower arrangements at pati na rin ang mga listahan ng food na hinahanda ng catering. Gayun din kung saan ang position ng mga musician na siya ring tutugtog para sa party.

Mayamaya, dumating na yung delivery na pinlaundry niyang gown para sa susuoting niya sa party mamayang gabi. At sinukat niya yung gown na ito at para siyang ballerina sa sumasayaw sa harap ng salamin. Feeling niya para siyang si Cinderella na aattend ng grand ball.

Nang dumating na ang mommy niya mula sa opisina, napansin siya na sinuot niya yung gown.

Bati pa niya, "Aba! Mukhang handang-handa na yung prinsesa ko."

"Hi, mommie!" sabi niya.

"Alam mo? Bagay na bagay sa iyo ang gown. At tiyak kong maraming matutuwa sa iyo mamaya sa party." sabi pa ni Mrs. del Real.

"Ma, para sa inyo ang okasyon na ito. Siyempre, ikaw ang mas papansinin ng mga tao, imbes na ako, di ba?" sabi pa naman niya.

"Palibiro ka talaga, anak? Parehong - pareho ka ng ate Maya mo. Sana nahanap na si Maya. Kakausapin ko nga si hepe para malaman kung ano na ang update." sabi niya at dumerecho na siya sa study room para kausapin ang pulisya tungkol sa update ng pinahahanap nilang si Maya.

Medyo nalungkot din si Maverick. Maski hindi pa niya nakikita ang kakambal niya, feeling niya parang may kulang pa rin. Kasi hindi kumpleto ang pamilya nila.

At dumating na ang gabi na pinakhihintay. Maraming umattend sa party. At habang nagkakasiyahan, biglang tumayo si Mr. del Real para ipakilala na si Maverick mag-anunsyo upang ipakilala si Maverick bilang isa sa tagapagmana. Nang tatawagin na ang pangalan ni Maverick, saka bigla itong natigilan. Sa hindi kalayuan, nakita niya ang gusgusin na kamukhang-kamukha ni Maya.

Tinawag niya ang dalaga, "Maya, anak? Ikaw ba yan nakikita ko?"

Lumapit ang gusgusin at napaluha, "Papa, ako nga po ito. Pasensya na kayo kung ganito lang ayos ko."

At nagulat lahat ang mga tao nang nakita muli si Maya. At hindi inaasahan, nshocked si Mrs. del Real kaya ito nahimatay. Nang inalalayan siya ng kanyang asawa at mga anak, saka siya tinulungan na makaupo muna sa sala para magkaroon sila ng privacy.

Binigyan ni Maverick ang kanyang mama ng tubig para makainum nang ito ay nahimasmasan. At ito naman si Maya, nagpaliwanag, "Ma, may dumukot po sa akin nang papauwi na ako ng bahay. Mga armadong kalalakihan. Dadalhin daw nila ako sa Hong Kong para maging domestic helper. Hindi ako pumayag. Kinulang nila ako at hindi pinakain. At may naawa po sa akin, na kasamahan nila, at kaya heto, sinuwerteng nakatakas ako at kaya nandidito na ako ngayon."

Taka naman ni Maverick, "Akala ko ba, nakipagkita ka sa kapatid nating si Maita?"


Natigilan naman si Maya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"I am so sorry. Pinakialaman namin ang computer mo. Kasi gusto namin malaman kung saan ka hahanapin. At napagalaman namin ni Daniel, nakipagkita ka kay Maita." sabi pa niya.

"Huh? Ok lang yon. Actually, hindi na natuloy yung pagkikita namin ni Maita." sabi naman niya.

Dagdag pa ni Mr. del Real, "Eh, kung ganun, sunduin na natin si Maita sa orphanage para makasama na natin siya?"

"What? Huwag na po, Dad. Strict po ang mga nuns doon. Patago nga po yung paguusap namin ni Maita. At sa internet shop lang siya nakikigamit ng computer. Hayaan niyo po, ako na po kakausap kay Maita at sa mga madre." sagot naman niya.

Ngumiti naman si Maverick, "Welcome home, Maya. At sana maiuwi na natin dito si Maita para samsama na tayong lahat. Para iisang pamilya na tayo."

"Thanks, sis!" sagot naman niya.

At matapos nun, naligo na si Maya at nagpalit na ng damit para sa party.

At pagkababa niya, nasa baba nakaabang si Daniel. Niyakap niya si Daniel, "Daniel, I really missed you!"

Sagot naman ni Daniel, "I missed you too!"

And, Maya joined the group in the table seat.

Sabi naman ni Davina, "Alam mo ba, Maya, simula nung nawala ka, nakakatangap kami ng mga death threats. Siguro galing yun sa mga dumukot sa iyo?"

Sagot naman ni Maya, "Well, I am so lucky! Nakatakas na ako sa kanila. And, don't worry! Hindi na nila kayo sasaktan."

"I am glad to hear that. And do you know what happened to poochy? Yung niregalo mo sa akin na golden retriever na puppy, pinatay ng hinayupak na mga gago na yon." sabi naman ni Daniel.

"At pati na rin si Muning, dinamay!" dagdag pa ni Fredo.

"Don't worry, mapapalitan ko yung mga alaga niyo. Maybe one of these days, dadaan ako sa pet shop." sabi naman ni Maya.

"Thanks, Maya!" pasalamat naman ni Fredo.

"Kindly excuse me. Kakausapin ko lang si Maverick." sabi naman ni Daniel.

At nilapitan niya si Maverick na kabababa lang sa stage dahil katatapos lang niya kumanta.

"Maverick, I would like to speak with you." sabi ni Daniel.

"Ano yon?" taka ni Maverick.

"If you don't mind, paki-bantayan mo ang kapatid mong si Maya kasi may nakikita akong hindi maganda." sabi niya.

"What is that?" usisa pa niya.

"I don't know if she is the real Maya or not. Sa pagkatanda ko, ang parents ko ang bumili ng tuta at hindi siya. Pero, inaako niya na siya ang nagregalo ng tuta sa akin. Well, to make the story short, I tested her if she is Maya. As I found out, she is not. I think, she is the other twin, the one that is named Maita?" paliwanag niya.

Hinatak naman siya ni Maverick sa sulok at binulungan, "Walang makakaalam nito kundi tayo lang. Tutulungan kita sa tanong mong yan. Habang nawawala pa si Maya at si Maita itong nakikita natin. Kailangan kumilos tayo na parang walang nangyari. Ako na bahala kina Mama at Papa. Basta ikaw, alalayan mo ang mga kaibigan natin."

"Sure. At kung ako sa iyo, huwag kang kampante sa mga tao sa paligid mo. Hindi mo alam kung sino ang totoong kaibigan at totoong kaaway. But, I am glad that you trust me." sabi naman ni Daniel.

Nung gabing natutulog na ang lahat sa mansyon, ito naman si Maya, biglang bumangon. Alas-tres na ng gabi. At kinuha ang kanyang cell phone at nag-dial ng numero.

"Ate Maya, nandito na ako sa mansyon. Ni isa sa kanila, hindi nakakahalata na nagpapangap lang ako bilang ikaw." sabi naman niya.

Sagot naman ng nasa telepeno na walang iba pala kundi si Maya, "Magaling! Huwag ka rin kampante kina Daniel at Maverick. Dahil alam kong nahahalata ka na nila. Nakita ko silang dalawa kanina na naguusap. Magaling din pala itong si Maverick na mag-organize ng ganitong event. Daig pa niya si Mama. Well, kundi ako nagpangap bilang waiter kanina, eh hindi kita mababantayan? Don't worry, bukas, kokontakin ko na si Maverick at makikipag-appointment ako sa foster father niyang plastic surgeon."

Tanong naman ni Maita na nagpapangap bilang Maya, "Ate, kelan ka uuwi dito?"

"Malapit na!" sabi naman niya.

At nang binaba na niya ang cellphone, hindi niya alam nasa likod pala ang mama niya na nakikinig ng kanilang usapan.

"Mama?" gulat ni Maita.

"Hindi ikaw si Maya? Nasaan ang anak ko? Nasaan ang kapatid mo?" tanong niya.

"Hayaan niyo po akong magpaliwanag. I am so sorry kung nagsinungaling ako." sabi naman niya.

At dinala ni Mrs. del Real si Maita sa sala para kausapin ito. At doon na pinaliwanag ni Maita ang lahat.

"Bago kami nagkita ni Ate Maya, may dumukot sa kanya. Two weeks pa bago niya ako kinausap. Kinontak niya ako sa cellphone ko. Saka ko siya pinuntahan sa hospital. Maraming siyang galos at sugat sa katawan. At meron pa siyang pilas sa mukha na parang sinunug ng acido." paliwanag niya.

Napansin nga ni Mrs. del Real na low tech ang cellphone ni Maita. Kaya alam niyang nagsasabi ito ng totoo.

"Nasaan siya ngayon?" tanong niya.

"Nasa boarding house na tinutuluyan ko. At bukas na po yung appointment niya sa plastic surgeon. Nakipag-negotiate na po siya kay Maverick na magpapaopera siya ng libre sa foster father niya." sabi niya.

"Paano sila nagkita ni Maverick?" taka ni Mrs. del Real.

"Si Maya po ang nagpapangap na janitress sa school na pinapasukan nila." paliwanag niya.

"Ok! Ako ang bahala sa inyong dalawa. Proproteksyunan ko kayo. Bukas na bukas din, susunduin na natin si Maya." sabi naman ni Mrs. del Real.

"Pero, kabilin-bilinan ni Maya, ilihim po natin ito. Kasi gusto niya malaman kung sino talaga ang nagpadukot sa kanya." sabi naman ni Maita.

"Ganun ba? Eh di, dating gawi. Magpapangap ka bilang Maya at hindi mo ipagsasabi sa school mates mo na ikaw si Maita. At ako na maghahatid kay Maya bukas sa plastic surgeon na kakilala ko. Tell Maya that she can trust me because I am her mother." sabi pa niya.

"Opo. Makakarating po. Maraming salamat, Mama." sabi niya.

At niyakap ni Maita si Mrs. del Real bilang pananabik sa isang ina.

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again