/ 
She Maybe The Wrong Girl 9 Chapter Eigh
Download
https://www.novelcool.com/novel/She-Maybe-The-Wrong-Girl.html
https://www.novelcool.com/chapter/She-Maybe-The-Wrong-Girl-8-Chapter-Seven/3619471/
https://www.novelcool.com/chapter/She-Maybe-The-Wrong-Girl-10-Chapter-Nine/3619473/

She Maybe The Wrong Girl 9 Chapter Eigh

Third Person's P.O.V.

Malakas ang pagbuhos ng ulan at kumukulog ang kalangitan habang bumibiyahe si Lumen patungo sa tirahan ng mga Dela Rama sa Quezon City. Pero, may nararamdaman din alinlangan si Lumen sa kalagayan ni Lynn dahil naiwala nito ang kanyang kwintas na magproprotekta sa kanya sa masasamang encanto.

Nang nakarating na ito sa tirahan ng mga Dela Rama, tiningnan niya ang kalagayan ni Marcux. Nabahala siya dahil pasama ng pasama ang kalagayan nito . Namamaga ang mga butlig niya sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ang ang ibang butlig naman ay nagkakaroon ng mga sugat. At hindi pa rin bumababa ang kanyang lagnat.

"Anong sumpa kaya ito?" sabi ni Lumen.

Samantala, sa kaharian naman ng mga Dalaketnon. Parang may delubyo na lumalaganap. Nakaroon ng malakas na lindol. Bumabsak ang mga tulay. Nagiba rin ang mga kastilyo. Lalong nabahala si Haring Mossainite, "Hindi maari. Nawasak ang balanse. Paano nangyari?"

"Nandidito si Floresca! Ang aking anak!" sabi ni Konde Almandite.

Unti-unti na rin nagigiba ang palasyo.

Nagalala rin si Lynn sa nasaksihan niya.

"Ano itong nangyayari?" sabi niya.

Paliwanag ni Marx habang paunti-unti na rin siyang nanghihina, "Tama na yang satsat mo. Kailangan kitang mailayo dito. Mawawasak na itong kaharian. Kailangan kitang mailigtas."

At tumakbo sila palabas ng palasyo, at biglang natigilan sila nang sumama ang pakiramdam ni Marx at siya ay biglang bumagsak sa lupa. Nahihirapan na siyang huminga at sinabihan niya si Lynn, "Derecho mo lang ang daan na ito. Pumunta ka sa ilog. Doon ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Kalimutan mo na ako at ang daigdig na ito."

Naaawa si Lynn sa kalagayan ni Marx. Hindi niya gustong iwan ito.

"Sasamahan kita. Tutal, masisira na rin ang mundong ito. Samsama na rin tayong mamamatay. Ayaw kitang iwan. Mahal kita, Marx. Ikaw ang prinsipe ko." sabi niya.

"Makikipagisang dibdib ka na sa akin?" natuwa si Marx.

"Hawakin mo ang kamay ko. Lalabanin natin ang delubyong ito." sabi niya nang hinawakan niya ang kanang kamay ni Marx.

At gamit ang natitira pang kapangyarihan nila, binalik nila sa dati ang balanse. Bumalik din sa normal ang lahat na parang walang sakuna na nangyari. Bumalik sa ayos ang mga nasirang tulay at kastilyo. Gayun din ay naging maayos na rin ang pundasyon ng palasyo.

Ngunit, nanghina naman si Lynn. Samantalang, bumalik ang kalakasan ni Marx. At nahimatay si Lynn dahil lubos na ang pag-gamit niya ng kanyang kapangyarihan.

Kinarga ni Marx si Lynn papasok sa palasyo para sa ganun maasikaso siya at maigamot ng dakilang saserdote.

Pinakiusapan ni Marx ang ama niya, "Pumapayag na si Floresca na pakasalan ako. Tangalin niyo na yung sumpa niyo sa kaibigan ko."

At inutos na rin ng ama niyang hari sa saserdote na tangalin ang sumpa kay Marcux.

***************


Sa mundo naman ng mga tao, tumigil na rin ang malakas na bagyo. At napansin na rin habang pinupunasan ni Lumen si Marcux gamit ang mga pinakuluang halamang gamot, nawawala na rin ang mga butlig niya sa katawan. Naging makinis na muli ang kanyang balat. At bumaba na rin kanyang lagnat.

Nagising na rin si Marcux, tinawag niya ang kanyang mga magulang, "Ma, Pa, magaling na ako. Wala na akong sakit!"

At nagalala si Lumen. Napahagulgol din siya, "Diyos ko po! Lynn, anak! Paalam. Sana maging masaya ka kung nasaan ka man ngayon."

Dahil batid niya wala na sa mundo ng mga tao si Lynn. Sumama na ito sa kapwa niyang encanto.

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again