/ 
She Maybe The Wrong Girl 3 Chapter Two
Download
https://www.novelcool.com/novel/She-Maybe-The-Wrong-Girl.html
https://www.novelcool.com/chapter/She-Maybe-The-Wrong-Girl-2-Chapter-One/3619465/
https://www.novelcool.com/chapter/She-Maybe-The-Wrong-Girl-4-Chapter-Three/3619467/

She Maybe The Wrong Girl 3 Chapter Two

Third Person's P.O.V.

********Flashback********

Nung hapon na umuwi sa bahay sina Tiya Doris at Avelina, agad naman tinawag ni Doris ang kapatid niyang si Lumen na taga Marikina.

Sabi ni Lumen, "Naku? Hindi ako sanay na mag-alaga ng bata. Eh, bakit mo sa akin ipapasa yan?"

Pakiusap naman ni Doris, "Lumen, para mo ng awa? May mga masasamang tao gusto kumuha kay Lynn. Alam mo naman ang sitwasyon, hindi ba? Na hindi pangkaraniwang bata itong si Lynn. Kanina nga, muntik na siyang mapahamak."

Buntung-hininga naman ni Lumen, "Diyos ko po! Pinasoot mo na ba sa kanya ang kuwintas na minana mo pa sa Inang? Kailangan niya iyon. Pero, paano naman kayong mag-anak diyan kung pagdiskitahan kayo ng mga gustong kumuha sa kanya?"

"Bahala na! Ang mas importante ay maligtas ang bata sa anu mang panganib. At ikaw naman ang nakamana sa kakayahan ni Inang. Pero, naisip mo na rin na lumayo at maging isang Accountant na lamang." sabi ni Doris.

At bilin ni Lumen, "O sige, pupunta ako diyan, ngayon din. Bibiyahe na ako. Ang bilin ko sa iyo ha, huwag kayo basta magpapapasok ng tao pagpatak ng alas - sais ng gabi."

Sagot agad ni Doris, "Oo, masusunod. Naku, yun pa naman ang oras na iyon na gumagala ang mga nilalang na iyon."

At pagkatapos nila magusap sa telepono, saka lumapit si Lynn kay Doris at sinabing, "Tiya, nakahanda na yung Maleta ko. Talaga bang titira ako kay Tiya Lumen sa Marikina? Hindi ba, matandang dalaga at masungit po iyon. At ayaw niya po sa mga bata. Baka ano pang gawin niya sa akin?"

"Naku? Masungit at istrikta lang ang Tiya Lumen mo. Pero, mabait iyon. At kumbinsido ako na proprotektahan ka niya laban sa mga gustong kumuha sa iyo." sabi ni naman ni Doris.

Niyakap ni Lynn si Doris, "Mamimiss ko po kayo. Magiingat po kayo lagi. Maraming salamat po sa pagaalaga niyo sa akin buhat nang namatay si Inay."

"Anak, wala kang aalahanin sa amin na Tiyo Juan mo. At magiging mabuti ang kalagayan naming lahat dito." sabi ni Doris na medyo napaiyak din siya dahil namimiss niya yung bata.

At mga alas-singko ng hapon, nakarating na si Lumen sa bahay ni Doris, tinanong niya si Doris "Siya na ba si Lynn na tinutukoy mo na anak ni Isabelle?"

Tumango si Doris, "Oo. Pitung taong gulang na siya ngayon."

Natuwa naman si Lumen, "Napakagandang bata. Manang-mana sa bunso nating kapatid nung nabubuhay pa siya. Payakap nga, anak!"

Yumakap naman si Lynn kay Lumen.

"O sya! mauna na kami. Mukhang gagabihin kami sa daan. Ikaw na bahala sa pamilya mo, Doris. Ang bilin ko sa iyo. Huwag mong kakalimutan." paalam ni Lumen.

Nang nakaalis na sina Lumen at Lynn, saka na naghanda ng panghapunan itong si Doris.

At mga alas siyete ng gabi, nang nakauwi na si Juan, ang kanyang asawa, sabay - sabay na rin sila kumain ng hapunan.

At biglang may nag-door bell, sabi "Kumpareng Juan, si Berting ito. May dala akong lambanog galing Batangas. Dinala ng pinsan ko. Pagsaluhan natin."


Gulat naman ni Juan, "Naku! Si Berting! May dalang lambanog."

At pinagbuksan niya ng pinto. Pero, pagtingin niya, wala namang tao. Taka niya, "Asan si Berting?"

"ITAY!" hiyaw ng bunso niyang anak na si Inigo.

At nakita nila ang apat na nakaposturang mama na nakaputi na biglang lumitaw sa kanilang likuran kung saan sila nakatayo.

Tinanong sila ng mama na nakshades, "Saan niyo dinala si Floresca?"

Sumagot ng pabalang si Doris, "Hindi namin alam ang sinasabi niyo. Walang Floresca na nakatira dito."

"Kasinungalingan! Saan niyo dinala ang anak ko!" galit ng isang mama na naka postura pero kulay abo naman ang suot niya at naka - sumbrero pa.

"Sino ka?" tanong ni Juan.

"Ako si Conde Almandite. Ang ama ni Floresca. Ibigay niyo sa akin ang anak ko!" mariin na sagot nito.

"Wala dito ang tinutukoy niyong Floresca. Hindi namin siya kilala. Maari bang umalis na kayo dito! Ipapatawag namin kayo ng mga pulis!" mariin din sabi ni Juan.

Sa galit ni Conde Almandite, sinakal niya si Juan. At gamit ang kapangyarihan na magkontrol ng apoy, sinunog niya si Juan at ang buong kabahayan nila.

Nagtataka ang mga kapit bahay kung bakit na nasusunog ang bahay ni Juan. At dali sila nagpatawag ng bumbero para patayin ang apoy. Pero, hindi rin nakaligtas ang buong mag-anak.

Nalaman din sa balita tungkol sa nangyari sa pamilya ni Doris. Humihikbi itong si Lumen dahil nalungkot siya sa pagpanaw ng kanyang kapatid.

Tinanong ni Lynn si Lumen, "Tiya Lumen, hindi po ba tayo pupunta sa lamay?"

Sagot naman ni Lumen, "Hindi maaari. Matutunton tayo ng mga taong kukuha sa iyo. At next year ka na papasok sa eskwelahan. Ililipat na rin kita ng paaralan. Para sa ganun, hindi nila alam kung nasaan ka magaaral. At ang kuwintas na suot-suot mo, huwag mong tatangalin. Yan ang

magproprotekta sa iyo."

Sangayon naman ni Lynn, "Opo, Tiya Lumen. Tutulong na rin ako sa inyo dito sa mga gawaing bahay. Papangako ko po na hindi po ako magiging pabigat."

Niyakap ni Lumen si Lynn, "Anak, napakabuti mong bata. Hindi kapani-paniwala na isa kang Dalaketnon."

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again