/ 
Potion Of Love 30 Chapter 29
Download
https://www.novelcool.com/novel/Potion-Of-Love.html
https://www.novelcool.com/chapter/Potion-Of-Love-29-Chapter-28/3619910/
https://www.novelcool.com/chapter/Potion-Of-Love-31-Chapter-30/3619912/

Potion Of Love 30 Chapter 29

Back to situation

Humugot ng malalim na paghinga,bago pumasok sa loob dahil basang-basa ako ng ulan.

"Saan ka galing?" Siyasat sakin ni Amir.

Dilat na dilat ang mata ko sa kanyang pagkakatayo.

"Uhm, galing kasi rito si Aling Carlota may dinala lang----"

"Ano?" Tinignan niya ang plastic bag na may Potion.

"Para ba yan sa trabaho ng mga Nanay mo?" Siya na lang ang sumagot sa tanong niya.

"Ah Oo, ganoon na nga."

"Okay,matulog kana." Naupo siya sa upuan namin.

"I-ikaw ba?"

"Hindi kasi ako makatulog."

"G-gusto nang kape?" Nauutal kong tanong.

"Baka lalo akong hindi makatulog." Isinandal niya ang likod, itinaas ang braso sa armchair.

"Kahit Juice na lang." Siyang titig sakin.Napalunok ako.

"Sige,titignan ko kung may juice pa kami." Iniwan ko siya sa sala habang naghahanap ng juice.

Maswerte pa rin ako at meron sa kabinet namin.

Pagkakataon ko na ito.Kakalimutan ko muna ang ipinangako ko kay Clarissa, isang taon lang naman at ititigil ko na ito.

Tinimpla ko ang Juice at maingat na iniligay ang kaonting Potion.Pagkatapos 'non ay dumating si Amir at inagaw kaagad sakin ang Juice.Diretso niyang inubos at walang tira.Ngumiti siya sakin habang inaabot ang baso.

"Salamat." Lumulunok pa ito habang sinasabi 'yon.

"Wala yon,pwede kanang matulog."

Hinugasan ko ang baso,ngunit hindi pa rin sya tumitinag sa kinatatayuan.Tinignan ko siya kung bakit,pero kagat lamang siya sa kanyang upper lips.

"May gusto ka pa ba?" Usisa ko.Baka kasi na gugutom lang.

"Ipag-iinit kita ng makakain." Lalagpasan ko sana siya ng pigilan niya ko.

Nahihiya akong tumingin samantalang siya ay walang tinag sa paninitig.

"Ikaw lang, naman ang gusto ko." Seryoso niyang sabi.

Gumagana na muli ang Gayuma.Mahal na niya muli ako.

Mabilis niyang inangkin ang aking labi. Walang salita ko siyang inalayan din ng matamis na halik.Sabik at kapwa hinihintay kung sino ang unang titigil.Hingal na hingal kami ng maupo sa mahaba naming upuan.Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla kaming nagkwento sa mga pangarap namin.Kahit hindi naman talaga ako kasama sa pangarap niyang 'yon ay nanatiling kalmado ang puso ko.Ayoko naman mag-isip pa ng kung anu-ano.

Pagmulat ng aking mga mata ,nakatayo sina Clarissa, Nixon,at Jomel habang nakatingin saamin.Pareho kaming nakatulog habang nakupo.Nakasandal ang ulo ko sa kanyang dibdib,habang si Amir ay nakasandal sa upuan. Umayos ako ng upo,kaagad din na gising si Amir.

"Anyare?" Usisa ni Jomel.Hindi ko matignan ng diretso sina Clarissa at Nixon.

"Dito na pala kami nakatulog." Sabi ni Amir sa kanila.

"Tara na Nixon,umuwi na tayo." Masamang masama ang loob ni Clarissa habang papalabas sa bahay.Hinabol ko siya at pinigilan.

"Best,nagkabalikan na kami ni Amir."


Tumaas ang kilay."Bakit? Ginamitan mo na naman ba?"

"Hindi,umamin sya sakin kagabi na mahal nya ko."

"Klea,kung dati nagagawa ko pangmaniwala sayo,kaso ngayon ,bakit hindi matanggap ng damdamin kong nagsasabi ka ng totoo."

"Akala ko ba magkaibigan tayo? Magtiwala ka naman muli."

"Hindi ko kaya,alam mo kung ano umiikot sa isipan ko ha? Ginayuma mo na naman siya!"

"Hindi, mali ka Clarissa." Hinawakan ko ang kamay nito.

"Bitawan mo ko.Kung totoo man na hindi mo siya ginayuma then proved it."Iniwan niya kong tulala.Dumaan lamang si Nixon sa harapan ko.

"Nixon." Tawag ko.

"Ano?" Matamlay niyang tanong.

"Sabay na tayong pumasok."

"Hindi na,kasabay mo na rin naman ang Boyfriend mo 'di ba? wala na naman akong kwenta sayo." Hinayaan ko na lang siyang umalis.

Balisang balisa ako habang nasa klase.Feeling ko,balik na naman sa dati.Bakit kasi ganoon? Dati single ako nandiyan ang mga bestfriend ko,bgayong boyfriend ko na si Amir tsaka sila lumalayo sakin.Hindi ko na alam kung ano gagawin ko.

"Class dismissed." Huling wika ng Guro namin.

"Klea." Tawag ng kung sino,pero hindi ko pinapansin.

"Uy,Klea!"

"Bakit?" Iritable kong tanong.

"Wala ka yatang ganang mag-aral ah?"

"Masama lang pakiramdam ko."

"Samahan kita sa Clinic?"

"Hindi na,pupunta na lang ako sa Library."

"Samahan na rin kita."

"Hindi na." Nakangiti kong sabi."Nasa labas si Amir baka makita kapa magagalit 'yon. "

Syang dating ni Amir, kaya bahagya ko itinulak si Blaze palayo sa akin.

"Let's go?"

"Tignan mo? Pumasok na ,lumayo kana." Bulong ko Kay Blaze.Tatawtawa lamang siyang lumalayo sakin.

"Ang tagal mo,naubos na mga classmates nyo rito sa loob, ikaw na lang hindi lumalabas."

"May sinabi lang si Blaze."

"Ano? Baka naman nanliligaw pa sayo si Blaze na 'yon ah?"

"Hindi ah! Sira ka talaga.Samahan mo ko sa Library."

"Bakit?"

"Malamang mag-aaral 'di ba?"

"Lunch na,kumain muna tayo." Nakanguso nyang aya sakin.

"Next subject na kasi namin 'yong gagawin ko." Kinuha sakin ang notebook tapos seryosong binasa sunod ay may isinulat.

Walang kahirap-hirap at na sagutan niya ang lahat.Walang erase ,walang mali,para siyang computer na isang type mo lang tama na kaagad. Kinundatan niya ko at inakbayan.

"Wala ka nang maidadahilan sakin na hindi ka kakain." Pigil akong ngumiti.

"Ikaw ba naman magkaroon ng boyfriend na matalino." Piniga niya ilong ko.

"At ako ba naman,magkaroon ng girlfriend na pandak ,morena at ..mabait! " tawang tawa na naman.

"Nang-aasar ka ba?"

"Pinupuri kita,dahil kakaiba ang girlfriend ko.Lakas kaya ng tiwala kong hindi ka maaagaw ng iba." Taas noo niyang siwalat.

"Dahil wala naman papatol sa isang pandak ,morena 'di ba?"

"Dapat lang,dahil ako lang ang pwedeng maging lalake mo."

Sabay kaming tumawa ng malakas.Kumain na kami sa canteen ng nagtitinginan ang mga tao.

"Wag mo silang intindihin.Kumain ka lang diyan." Sabay hawak sa kamay ko.

Hindi rin kasi ako makakain ng maayos dahil sa mga mata nilang mapanghusga.

"So,tama pala ang dumating sakin balita." Umalingawngaw ang boses ni Leny sa kabuuan ng canteen.

Tatayo na ko para umalis pero hinigpitan ni Amir ang pagkakahawak sakin sa kamay.

"Wag mo siyang pansinin." Patuloy lamang siyang kumakain habang nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Bumalik ka na naman ba sa dati Amir? Ano ba, akala ko ba okay na tayo? Ano 'to? Bakit kasama mo ang bruhang babae na 'yan!" Bulungan ang mga tao.

"Umalis na tayo." Pakiusap ko sa kanya.

"Hindi,tapusin mo yang kinakain mo." Sumenyas na kainin ko ang pagkain.

Inisip ko nalang baka umalis din ito at magsawa sa kakasatsat.Lumapit siya samin,mabilis na kinuha ang Juice ni Amir at isinaboy sa mukha ko.Nagkingay ang lahat,napabitaw si Amir sa aking kamay at napatayo.Ako naman ay gulat na gulat,habang inaalis ang yelo mula sa Juice na 'yon.Mabilis kong kinuha ang panyo,at pinangpunas sa mukha at damit,panay agos din ang mga luha ko.Naisip ko kasing kung sinunod ko ba naman si Nixon at Clarissa,baka hindi ganito ang mangyayari.Padabog na hinila ni Amir si Leny palabas ng canteen! Hinayaan ko na lang sila,total naman 'yun ang gusto ni Leny.

May nag-abot saakin ng panyo kaya pagtingin ko ay si Nixon pala ito at kasama si Clarissa.

"Magpunas kana." Huling utos ni Nixon,bago nila ako iwan ni Clarissa.

Ang daming nakatingin sakin.Lahat sila parang ang sama ng iniisip,lahat sila iniisip na inagaw ko na naman ang lalakeng dapat ay kay Leny.

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again