/ 
Salbabida 3 So Good Together
Download
https://www.novelcool.com/novel/Salbabida.html
https://www.novelcool.com/chapter/Salbabida-2-Paghihintay/3619487/
https://www.novelcool.com/chapter/Salbabida-4-ASL-Please/3619489/

Salbabida 3 So Good Together

Bago kami dumiretso sa KFC naisip kong dumaan muna kami sa office namin (actually sa lobby) para makita man lang niya how it looks like. Kung titignan mo yung tower sa labas parang out of place siya sa dumi at gulo ng Cubao, with matching 2-storey lobby and chandeliers to boot.

"Ang lamig naman dito!" Reaksyon niya. "Ganito ba talaga dito everyday?"

Um-oo naman ako. Kung tutuusin blessing in disguise iyon sa init ng panahon sa Pinas but in my case, hindi. Kaya napipilitan akong mag-jacket lalo na't umaalis ako sa bahay ng madaling-araw.

Mga alas-otso na rin noon at mukhang nakaalis na rin naman mga katrabaho ko. But since di ko naman siya madadala sa office, inaya ko na lang si Justine na tumawid na kami pShopwise. Parang natural at wala lang sa kanya na hinawakan ko ang kamay niya - malaki at dominanteng sumasaklob sa akin, mainit na parang naghahanap ng kalinga o kaya't handang ibsan ang lamig ng panahon. Pero maikli lang naman tatawiran namin kaya bitin yung moment.

Nung nasa KFC kami saka ko lang naalala na Kathniel na pala endorser ng fast-food. Sabay patugtog pa nung commercial nila habang busy sa PDA ang mga jejetweens:

Kapag tayo'y magkasama

Ramdam ko ang ligaya

Lalong tumitingkad

Ang lahat ng kulay

Kay sarap na mabuhay

Pag kasama mo'y tunay

Di ko namalayan na nLSS na ako habang naghihintay kami na makalapit sa counter. At pati siya, nakikikanta rin na parang may hugot siya. Pinagtawanan lang namin iyon hanggang sa nakulitan na yung ate sa counter kung anong order namin.

"Yung Duo Meal na lang..." Natatawa kong alok sa kanya. Kung alam lang niyang sinadya kong sa KFC siya dalhin just so that I can try the thing out - Php 75 savings din yun ano! Dalawang manok, Hotshots, mashed potatoes, rice tapos yung marshmallow with dip thingy nila na naintriga talaga ako.

"Ako na dito!" Sabay lapit sa kabilang side counter dahil balak niya siya na maghahatid nung pagkain sa table.

"Huwag na, ikaw nga ililibre ko ngayon di ba? Relax ka lang diyan." At mukhang napangiti siya thinking that I'm doing the stuff he used to do for me. Deep inside, I feel flattered that he still cares for me in the smallest ways. As if nothing has changed.

Buti na lang nakakita siya ng table sa party area. Sigurado habang tintry kong ihatid yung dalawang tray na may order namin iniisip ng mga magsyota sa paligid na kami. Isisa ko nang linatag yung pagkain while Justine's starting at it. Gutom na sigurado 'to - dito ata ako nahawa sa kalakasan ng appetite eh.

"Bakit tatlo pala yung dala mong plato?" Tanong niya bigla sa akin. Actually may kasama na iyong gravy by default pero alam mo naman, ang mga hampaslupang gaya namin (quoting Senyora) ay ginagawang sabaw ang gravy. Paki ba niya, masarap eh - kahit Php 15 lang iyon sa Shopwise at kaya kong bumili ng isang kahon kung gusto ko.


Saka ko lang narealize na ang awkward noon dahil nagmukhang ayaw kong makishare ng gravy sa kanya. Gusto ko lang dagdagan yung gravy, that's all. Saka alam ko naman na di nakukuha ang HIV sa laway o sa pag-gamit ng pinagkainan nila - nilublob ko pa nga yung Hotshots sa gravy na sinawsawan niya, just to prove my point.

We just moved on and went straight sa kumustahan. Last kasi naming pagkikita is before yung graduation ko and we surely have a lot to catch up on - like how I hate my job kahit na masaya mga tao and I'm paid - no - being pampered sa sweldo.

"Think of it positively na lang." Payo niya sa akin, which I both did and didn't expected of him at the same time. How come na kahit may pinagdadaanan siya, he can still manage to smile and give me good advice? "At least may sweldo ka, you can buy all you want, napapakain mo pamilya mo. At least may pambayad ka na ng lahat ng utang mo sa akin dati!"

"Aba utang pala lahat ng libre mo sa akin noon! Sorry naman ha, ibabalik ko sa iyo...with interest!" At nagpatuloy na rin kami sa biruan na para bang walang awkwardness at wala kaming nakaraan.

Kung saan-saan nagpaikot-ikot usapan namin: paanong delayed pa rin sweldo niya sa trabaho at paano naging MMFF ang theme ng Christmas party nila, how come napuno ni Anne ang Araneta kahit na sintunado siya, bakit magkaway ang Kathniel at JaDine fans at yung nobela kong di pa rin masabi ng publisher na pinasahan ko kung ipupublish ba nila o hindi. Pero sa lahat ng iyon, sinadya kong di siya usisain kung kumusta siya sa pamilya niya o how he copes up sa sakit niya. Alam ko lang he started to take meds. I tried to convince him to join a support group before pero di ko sigurado kung sumali talaga siya.

Ayoko na rin siyang usisain kasi I want to make him feel things are normal as they were kahit na sa totoo lang, HIV alters people's lives forever. Feeling mo para kang kriminal na nagtatago sa mga pulis, yung anxiety na iiwasan ka ng mga tao kapag nalaman nila na parang daig mo pa may ketong. Para siyang tattoo na imposibleng mabura.

"Tara, Starbucks tayo!" Aya ko since maaga pa naman, but he politely refused. Nahihiya siguro siya na I still find a way to treat him kahit I have to support my family, or maybe tanda pa rin niya na hindi ako mahilig sa kape. Lumabas kami ng KFC at nagsimulang magikot-ikot na lang without coffee in our hands, bawat ilaw at busina ng Cubao tanda ng kung anuman kami noon na tahimik na binabalikan.

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again