/ 
Salbabida 2 Paghihintay
Download
https://www.novelcool.com/novel/Salbabida.html
https://www.novelcool.com/chapter/Salbabida-1-Prologue/3619486/
https://www.novelcool.com/chapter/Salbabida-3-So-Good-Together/3619488/

Salbabida 2 Paghihintay

Nung bumaba na yung mga loko, naisipan ko na ring bumaba mula sa rooftop gamit ang Fire Exit papunta sa mall na katabi namin. Masasalubong mo yung sinehan na puno ng mga pamilya at mga couples na namamasyal, anupa't weekend at marami silang pera dahil sweldo.

Isisa kong tinignan yung mga poster at yung schedule sa ticket booth at lahat ng palabas, Hollywood. Sabihan mo na akong baduy pero di talaga ako mahilig sa foreign films di gaya ng nanay ko. Pero di ko rin naman gusto yung basura ng MMFF, so in short wala akong pinapanuod.

Medyo special sa akin yung sinehan kasi a few years back, nag-"date" kami nung isa kong straight friend este nilibre ko lang siya nun ng passes sa Hunger Games kasi blogging yung raket ko dati at madalas akong nakakakuha ng move tickets. Awkward lang kasi naksando, jacket at shorts lang siya kaya napagkamalan siyang callboy nung nilibre ko siya ng float sa McDo - a skinny, twink, innocent callboy to be exact. Pinagtinginan kami ng mga tao, but we had fun - kahit na di kami nakapag-explore at di ko siya nabigyan ng membership card.

Natawa ako with the memory bago ko naisip na bumaba papunta sa foodcourt. Pero kakakain ko pa lang, narealize ko. Ang sarap pa naman sana nung cheesy potato salad sa Taco Bell pero overpriced saka wala nang space sa tiyan ko mamaya kapag nilibre ko si Justine. Pero okay lang sana, considering 30 minutes na akong naghihintay at wala pa rin siya.

"Saan ka na?" Text ko. Pero di siya nagreply. Natatakot ako kasi plow batt na ang cellphone ko at baka di ko na siya mcontact mamaya. Wala pa naman akong charger tapos daldala pa ako ng powerbank. Isang malaking tanga.

Sa isang sulok, may nagbebenta ng cable TV. "Beh, subscribe ka na samin..." Bati sa akin nung middle-aged na babae na mukhang malakas ang radar. Halata niya sigurong sa call center ako at siyempre pag call center, ang impression eh marami kaming pera. Which is somehow true.

"Mahal, eh." Dahilan ko. "Saka mas comfortable ako kapag postpaid."

"Kung may phone bill po kayo makakapag-sign up na po kayo. No downpayment!"

"Pwede sana eh, kung di lang sana bi-nan ng telcong may-ari ng cable niyo kaming mga tagcall center sa postpaid plans." Banat ko in a rather miserable tone. Napahiya si ate at nawalan siya ng potential customer na pagkukunan niya ng incentive.

I felt great after that pagmamaldita, habang tinatangay ako ng paa ko papunta sa bookstore. Ang laki ng branch ng National sa mall na iyon - isang floor nga nila puno ng pocketbooks at Wattpad stuff. Eh since jeje nga ako by heart, nagtingin-tingin ako agad ng mga bago. Baka may Red String of Fate na sila, kaso wala pa pala. Nakabalot naman sa plastic yung mga libro kaya di ko rin naman mabasa, so I just left the store empty-handed.

And come to think of it, lahat naman nung istorya, happy ending. Lahat babae't lalaki bida. Kahit bakla o tomboy bida, nagiging straight at kinakasal sa harap ng pari. It's as if we don't exist, as if we don't deserve or experience happy endings.


Bumalik ako sa mall, nagbabaksakaling nandoon na si Justine. Pero sa text niya sa akin, pasakay pa lang siya ng LRT. Sa haba ng pila sa Recto, anong oras kaya siya makakarating?

Pagbalik ko sa sinehan, napansin kong may internet cafe sa gilid - halos walang tao kasi may WiFi na sa mundo, saka P35/per hour? Dahil sa bored ako napilitan na rin akong mag-rent, at in fairness mabilis naman yung internet.

Sa isa sa mga PCs may chinito guy (na mid-20s ata) na nagbro-browse ng viral videos at 9Gag stuff. Baka hinihintay kAura niya or anything, judgment ko. Fit pa naman yung long sleeves niya at laid back ang hair, which makes him pleasing to the eyes.

And kahit mukha akong nerd na nasagasaan ng pison, he seems to be interested in me, I dunno. Kung di lang sana ako may appointment papatol na ako dito - but no, I just realized the reason why I already stopped those kinds of escapades.

"Saan ka na?!" Text ko ulit sa kanya. He must know how impatient I can be, lalo na't 3% na lang battery ng phone ko. Kung yung iPhone lang sana dinala ko baka makita ko yung Grindr account ni Kuya dito sa cafe.

Busy rin naman siya talking to someone over the phone - like he and a group of friends were a victims of robbery nung nasa Bora sila and he's following up the case with the police, I reckon. Sakto namang nag-text si Justine sa akin na nasa loob na siya kaya napout na rin ako kahit di ko pa tapos yung pinapanuod kong movie.

Sa baba ng escalator naghihintay siya - sa isang tingin, wala namang nagbago. Di mo mahahalatang may iniinda siya.

"Sorry po, boss." Biro niya sa akin, sabay labas ng malaki niyang ngipin dahil sa pagtawa. "Saan na tayo ngayon?"

"Sa KFC na lang sa Shopwise." Aya ko. "Baka makita pa ako ng office-mates ko eh."

Hanggang ngayon, kahit na di na kami, di pa rin ako makakuha ng tapang na ipakilala siya sa mundo.

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again