/ 
Queen Bee 2 Chapter Two
Download
https://www.novelcool.com/novel/Queen-Bee.html
https://www.novelcool.com/chapter/Queen-Bee-1-Chapter-One/3619505/
https://www.novelcool.com/chapter/Queen-Bee-3-Chapter-Three/3619507/

Queen Bee 2 Chapter Two

"Sino ka ba? Ang weird mo! Tabi ka nga diyan! Haharang - harang ka sa dinadaanan ko!" sabi ng isang girl na kasama ang mga barkada niya papasok sa campus building.

"Margareth Montoya Chelsea? Bagong student ka ba dito? Kaya pala hindi ka namin kilala." sabi naman ng isang sporty na girl at mukhang sasali pa sa volleyball try-out.

"Miss, para saan ba yang ticket mong yan? Aanhin ba namin yan? Mag-aaksaya lang kami ng pera kung bibili kamin ng ticket mong yan." sabi ng isang girl na mukhang student assistant at pupunta na sa Student Affair Office para sa kanyang duty.

Well, ganyan ang mga samu't saring reaksyon nuong nagsisimula pa lang siya bumilibili ng ballot ticket.

At heto naman sina Rachel at Liza na pinagmamasdan lang siya sa sulok na nagbebenta ng ticket. Nagmumukha na tuloy siyang tanga at kawawa dahil ni isa hindi pa siya nakakabenta ng ballot ticket niya.

Lumapit sina Rachel at Liza sa kanya para pagsabihan siya. Sabi ni Rachel, "Do you know what, Maggie? Mukhang mapupunta sa wala ang ginagawa mong yan. Sure ka ba na ikaw ang mananalo. Mukhang mas malakas ang mga makakalaban mo eh."

Ang tinutukoy niya ay sina Karen Romero, Candy Romano at Lara Crisostomo.

Si Karen Romero na habang nagbebenta ng kanyang ballot ticket, namimigay siya ng fashion magazine kung saan siya nakapose as model na half-nude para sa bagong perfumery business ng kanyang mommy when she was in fourth year high school. Meron pa itong autograph niya.

Si Candy Romano naman ay namimigay ng home baked cheese cup cake para sa mga bibili ng ballot ticket niya.

At ito si Lara Crisostomo. Mas matindi ang ginawa niya. Gumawa siya ng kissing booth. At hahalikan niya ang mga lalaki sa lips na gustong bumili ng ballot ticket niya.

Habang pinagmamasdan ni Maggie ang mga kalaban niya, mas lalo itong nadismaya. Sinabihan niya si Rach, "Hindi mo kasi ako naintidihan. I am Margareth Montoya Chelsea, the unica ija of Janice Montoya, who was the former president of Theta Phi Nu. Natural naman sundan ko ang footstep ng mom ko, di ba? I don't think that I could accept your advice. You are such a loser and nobody compared to the Theta Phi Nu according to Ate Roselle. Kasalanan mo rin naman kung bakit ka naging reject ng Theta Phi Nu."

At siya ay nag-walk out para ipagpatuloy sa pagaalok ng mga tao para bumili ng ballot ticket niya.

Sabi naman ni Liza, "Girl, hayaan na lang natin si Maggie. Mukhang gusto niya yata mapagisa. Obvious naman na nasisiyahan siya sa ginagawa niya. Enjoy na enjoy siya o."

Umiling na lang si Rachel dahil disappointed na ito sa kinahihinatnan ni Maggie at sabi, "Good luck na lang sa kanya pagdating ng pageant."

Nakikinig pala sa usapan nila si Gabriel Samonte kaya nilapitan siya nito. At sinabing, "See how your good friend treated you. Ganyan ba ang mabuting kaibigan? Even though you are not belong to their elite sorority, hindi ka puwedeng tratuhin ng ganyan lang. Kung sasagutin mo lang sana ako, you will be the "Most Popular Girl" in campus just like your Ate Reggie."


Sabi naman ni Rachel na inabot niya si Gabby ng 20 pesos, "Bumili ka ng Corneto Ice Cream sa canteen. Para may paglibangan ka. Hindi yung nabubuwisit ka ng mga tao. Huwag mo ako ikumpara sa ate ko. Hindi ako kasing babaw niya para patulan ka."

At umalis na sina Liza at Rachel. Naiwan sa kanyang kinatatayuan si Gabby.

***************

At nung lunch break, bali-balita sa ibang kschool mate nila na nagbreak na sina Gabby at Roselle. Ganito kasi ang nangyari, nakipag-break si Gabby on the spot sa campus habang naglalunch sila ni Roselle. At ito naman si Roselle ay naghihysterical. People around them at the canteen witnessed their fight. After that, kinausap na ni Roselle si JayDee.

Sabi ni Roselle, "JayDee, gusto ko maging malapit ka kay Rachel. Dahil alam kong may alam si Rachel kung bakit nakipagbreak sa akin si Gabriel ng ganun lang."

Tugon naman ni JayDee, "Sure, girl. No problem."

At sinimulan na buntot-buntotin ni JayDee si Rachel kung saan man ito naroroon. Una ay sinundan niya ito sa locker hall ng gym para kunwari makikipag-close ito sa kanya.

"Hi, Rach, saan ang punta mo?"

"Sa basketball try-out. Sama ka? Tutal wala naman magchi-cheer sa amin ni Liza eh." pabiro pang sabi ni Rachel.

Napangiti itong si JayDee, "Uy, okay lang sa iyo. Nababagot kasi ako. Mamaya pang gabi ang klase ko."

At sumama nga si JayDee para panoorin sina Liza at Rachel sa basketball tryout.

Nang nagpapahinga muna si Rachel sa bench at umiinom ito ng tubig, nilapitan siya ni JayDee para makipagkuwentuhan. Sabi nito, "Alam mo bang break na sina Gabby at Roselle?"

Muntik na mabilaukan si Rachel nang nalaman niya ang impormasyon na 'yon kay JayDee. Sinabi niya, "Mukhang tinotohanan nga ni Kuya Gabby ang sinabi niya a!"

Nagulat itong si JayDee, "So, alam mo na may balak makikipag-break itong si Gabby kay Roselle?"

Gustong ilihim ni Rachel ang tungkol sa panliligaw sa kanya ni Gabby, kaya gumawa siya ng alibi, "Pinsan ko yung taong yun, ano ka ba?"

And, when it's Rachel turn, si Liza naman itong magpapahinga muna sa bench at umiinom ng tubig. Napansin ni Liza na nanood sa try-out nila si Mike Valiente, ang nakakabatang kapatid ni Roselle. Nakilala lang nila ito noong bumibili sila ng books sa National Bookstore.

Tinawag agad ni Liza si Mike, "Mike, pare, muzta na?"

"Tol, ayos lang. Pagbutihin niyong dalawa para makapasok kayo sa Varsity."

"Thanks! Kasama mo si Raffy?" tanong ni Liza, ang tinutukoy niya ay yung nasa Men's Varsity Team na nakilala niya sa party na dinadaluhan nila ni Karen kamakailan lang.

"Hindi e. Hindi naman kami close n'un. Magkaiba ang fraternity namin."

"Okay." sabi ni Liza.

At ito naman si JayDee ay binibiro si Liza, "Uy! In love siya. Tama ba ang narinig ko na nainlove ka sa nagngangalang Rafael Natividad?"

"Paghanga lang. Ikaw naman o." sabi ni Liza.

"Akala kasi namin tibash ka. Girl ka rin pala katulad namin."

Matapos ang try-out, sinabihan sila ng coach nila na malalaman nila ang resulta bukas ng umaga. As of now, patungo muna sa shower room sina Rachel at Liza. Pagkatpos nila magshower at magbihis, lumabas na sila ng gymnasium, at doon nila nakasalubong si Mike na mukhang sila nga yung inaantay niya.

"Okay ba ang try-out? Ang gagaling niyo maglaro a. Bilib ako sa inyo!" sabi ni Mike.

"Ok ka rin, tol! Pinapanood mo pala kami." sabi ni Rachel.

"Pero, tiyak kong pasok na kayong dalawa sa team." sabi ni Mike.

"Sana nga. Magagaling din yung iba sa amin." sabi ni Liza.

"Keep up the good spirit, Liza. And think positive." dagdag pa ni JayDee.

"So, mga dudettes, saan ang punta niyo pagkatapos nito?" tanong ni Mike.

"Hmm... sa dormitory." chorused pa silang dalawa.

"At pinagdrive sila ni Mike patungong dormitory. Napansin ni Mike si Marvin Rodriguez na sakay ng pulang Toyota at mukhang hinahatid si Alondra sa dormitory galing school. At ito naman si Alondra ay hinalikan si Marvin sa pisngi para magpaalam.

"Wow! Tibay din naman itong kolokoy na ito a? Bihira lang ako nakakakita na lalaki na maghahatid kay Alondra sa dormitory.Sa pagkakaalam ko, pihikan sa mga lalake si Alondra." sabi ni Mike.

"Sino? Si Marvin?"usisa ni Liza. Pero, tahimik lang si Rachel.

At pagbaba ni Rachel sa kotse, agad niya pinuntahan si Marvin para kausapin.

Sabi ni Rachel, "Tol, siya ba ang ipapalit mo kay Karen?"

Napatawa lang si Marvin, "O, c'mon, Rach. You know naman I am now free to date any girl in campus. Tapos na sa amin ni Karen. She is also free to date any guy in campus. Kung gusto niya, gumawa pa siya ng kissing booth para halikan niya sa lips ang bawat isang male student para makahakot siya ng maraming votes."

"You are stil mad at her, arent' you?" tanong ni Rachel na mariin.

"Siya ang unang nakipaghiwalay. Hindi ako." sabi ni Marvin.

And then, Marvin left with his car. Bumaba si Karen nang nakita niya ang kotse ni Marvin. Tinanong niya si Rachel kung si Marvin nga yung nakita niya.

"Si Marvin ba yun na nagmamaneho ng bagong Toyota?" tanong niya.

"Yeah, si Marvin nga yon, cuz. Ikaw sana ang kasakay niya sa kotse, pero naunahan ka na ni Alondra." sabi ni Liza na pang-asar lang ang peg.

Hindi na nagsalita si Karen at dumeretso na lang ito ng kanyang kuwarto. Pipigilan sana ni Rachel para kamustahin sana ito, pero pinigilan naman siya ni Liza.

Sabi ni Liza, "Hayaan mo na siya. Kaya niya yan."

At ito naman si Mike, mukhang gusto magyaya sa kanila kumain ng dinner, "Guys, nagugutom na ba kayo? Gusto niyo bang mag-dinner. May alam akong karinderia na masarap magluto ng Filipino foods."

Sabi naman ni JayDee, "Pass muna ako. Babalik pa kasi ako ng school. May night class kasi ako. Ganda ng schedule ko, no?"

At ito naman si Liza, "Girl, may babasahin lang akong isang chapter sa Chemistry ngayong gabi dahil may graded recitation kam bukasi."

Kaya ang naiwan na lang ay sina Mike at Rachel. Sabi ni Rachel kay Mike, "Siguraduhin mo masarap ang ulam ha. Gutom na gutom na kasi ako eh."

"No problem."

At pinuntahan nga nila ang karinderia na kung saan ng ilang kanto lang ay nandun ang kinatitirikan ng dating apartment kung saan siya at ang nanay niya nakatira.

Masaya sila nagkukuwentuhan. Kinuwento ni Mike kung saan siya nagmula at paano siya nakilala ni Congressman Valiente para kupkopin bilang anak. At kinuwento din niya na dati siyang jeepney driver at ang nanay niya ay maagang pumanaw sa sakit ng pneumonia.

Nakikita ni Rachel na totoong tao itong si Mike. Hindi ito nahihiya na kumakain na nakakamay lang maski alam na ng lahat na anak siya ng congressman.

Sabi ni Rachel, "Tama ka. Masarap nga ang ulam dito."

"Pareho pala tayo ng course at mabuti parehas ang schedule natin. Kaya kung okay sa iyo, sabay na rin tayo pumasok sa school Susunduin kita sa dormitory mo tuwing umaga.." sabi ni Mike.

"Nanliligaw ka ba?" tanong ni Rachel at mukhang curious nga ito.

Tugon naman na nakangiti si Mike, "Obvious ba?"

Natawa lang si Rachel. Hindi pa kasi siya naliligawan. Akala niya kasi dati nuong high school pa siya, liligawan siya ni Marvin Rodriguez, pero nagkagusto ito kay Karen Romero. Well, may nakilala na siyang bago nanagngangalang Mike Valiente. At mukhang interesado siya sa personality na pinakikita ni Mike sa kanya na kalog, maaalahanin at palakaibigan.

"So, ibig sabihin, dito na tayo magdidinner after ng basketball practice ko?"

Tumango lang ito si Mike habang nginunguya niya ang kanin sa bibig niya

At pagkatapos nilang kumain, hinatid na ni Mike si Rachel sa dormiotry. At pagpasok ni Rachel sa kanyang kuwarto, nakita niya si Maggie nag aalsa balutan.

"Where are you going?" sabi ni Rachel.

"Pupunta ako sa mommy ko at gusto kong mapagisa muna." sabi ni Maggie.

"How about school?" tanong pa ni Rachel.

"Papasok pa rin naman ako ng school. The only difference is hindi na ako dito manunuluyan. At parati na akong hatid - sundo ng family driver namin." sabi ni Maggie.

"What's wrong?" isa pang katanungan ni Rachel.

"Wala lang. It's just I don't feel like staying in this room anymore. Gusto ko ipakita sa mga tao who is really Maggie MontoyChelsea. Gusto ko pamukha kina Karen Romero at Candy Romano kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng Queen Bee?" sabi ni Maggie.

Kinabukasan, may pep rally sinagawa ang sina Alondra, Alona at Roselle. Namimigay pa sila ng libreng T-Shirt kung saan nakaimprenta ang mukha ni Maggie at sinasabing , "Vote Maggie To Be The Ms University 2014."

And that pep rally was approved by the Dean. Kaya heto, nakahakot si Maggie ng maraming buyers ng kanyang ballot tickets. At mukhang naubos lahat ng ballot ticket niya.

At kinuha niya ang megaphone para i-announce sa lahat ang kanyang pasasasalamat, "Thanks for buying my tickets. I can assure to you that my proceeds will go to my grandmothers foundation for the poor orphans and less fortunate."

At nagpalakpakan at nagcheer ang mga tao. Now, they know who is Maggie Chelsea, that is no other than the heir of the Montoyas.

Sabi naman ni Lara Crisostomo habang pinagmamasdan sila, "This is so unfair! How come she got the support from the sorority."

"It's ok, sis. May next time pa naman." sabi naman ng kakambal niyang si Lisa.

At ito naman si Karen mukhang asar na asar sa nakikita niya, kaya inapproach niya si Roselle at sinabing, "You are not playing fair. How come she got your support? Hindi ba kayo rin ang nag-organize ng pageant na ito?"

Sabi naman ni Roselle, "Oh, sorry, darling. We'd just don't give support to the sorority rejects."

"What do you mean I am s sorority reject?" taka naman Karen.

At pinakita ang tarpaulin kung saan nakaimprenta ang dating college whole body picture ng mommy ni Karen, which was she is formerly plump and also a reject from cheerleading squad and sorority.

Sabi naman ni JayDee sa kanya habang tinuturo niya ang tarpaulin kung saan nandun nakaimprenta ang dating whole body picture ng kanyang mommy, "Is that your mom? No wonder you became fat like that."

Umakyat si Karen ng stage at sinira niya yung tarpaulin na nakadisplay.

"Hey, stop that!" sabi ni Alondra.

Paliwanag naman ni Alona, "We have that photo because your mom also sponsored the freebies to be given to our voters. But, we have your mom's approval naman to have that tarpaulin in order to promote self-confidence for the overweight students."

"I don't care what you are talking about!" sabi naman ni Karen at ito naman ay nag-walk out.

At the staircase, umiiyak itong si Karen. She could not believe that her mom really forgot about her since she decided to stay with her dad after their annulment.

Then, Marvin saw her crying. He lended him his hanky to wipe her tears.

Sabi ni Karen, "Lalabhan ko na lang ito sa dormitory at isasauli ko ito bukas kapag nagkita tayo."

Ngumiti lang si Marvin, "No, you can keep it. What are friends for?"

Sabi naman ni Karen, "I am sorry for being a jerk when we were in high school"

"I understood that you were emotional at that time. But, you see, it worked out the best. I am now free to do anything. And, you are free to be yourself." sabi ni Marvin. At nang lumapit ang isang estyudyante na mukhang kdate pa yata ni Marvin pagkatapos ng klase niya, saka sila umalis at nagpaalam ang mga ito sa kanya.

...

Chapter end

Report
<<Prev
Next>>
Catalogue
Setting
Font
Arial
Georgia
Comic Sans MS
Font size
14
Background
Report
Donate
Oh o, this user has not set a donation button.
English
Español
lingua italiana
Русский язык
Portugués
Deutsch
Success Warn New Timeout NO YES Summary More details Please rate this book Please write down your comment Reply Follow Followed This is the last chapter. Are you sure to delete? Account We've sent email to you successfully. You can check your email and reset password. You've reset your password successfully. We're going to the login page. Read Your cover's min size should be 160*160px Your cover's type should be .jpg/.jpeg/.png This book hasn't have any chapter yet. This is the first chapter This is the last chapter We're going to home page. * Book name can't be empty. * Book name has existed. At least one picture Book cover is required Please enter chapter name Create Successfully Modify successfully Fail to modify Fail Error Code Edit Delete Just Are you sure to delete? This volume still has chapters Create Chapter Fold Delete successfully Please enter the chapter name~ Then click 'choose pictures' button Are you sure to cancel publishing it? Picture can't be smaller than 300*300 Failed Name can't be empty Email's format is wrong Password can't be empty Must be 6 to 14 characters Please verify your password again